Isang overseas Filipino worker (OFW) at masugid na fan ni The Voice Kids 2014 grand winner Lyca Gairanod ang lumiban pa kanyang trabaho at bumiyahe nang ilang oras para lang makita ang singer sa Expo 2020 Dubai.

Hindi man umabot sa performance ni Lyca sa Expo 2020 Dubai, inabangan ng Pinoy fan si Lyca matapos ang show. Dito isang nakakaantig na encounter ang naganap sa pagitan nila ng singer.

“Alam mo sinabi ko, pumunta ka lang dito kahit um-absent ako basta makita kita,” saad ng fan na hindi pa ring makapaniwala na nakita na nito si Lyca.

Agad ding naluha ang Pinoy dahil sa labis na tuwa. “Hala, ba’t naman po kayo umiiyak,” tugon na lang ni Lyca sabay yakap sa Pinoy fan na isa pala talagang solid fan ng teen singer.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

“Alam mo pagtatawanan ako ng anak ko. Kasi umalis talaga ako ko,” patuloy na kwento ng Pinoy fan kung saan aniya'y kinailangan niyang makumbinsi ang anak na makikita niya si Lyca sa kabila ng ilang oras na biyahe mula sa concert venue.

Sunod na mang kinuha ng OFW ang isang bag ng souvenirs at inabot ito sa singer.

“Alam ko hindi ka nakapag-[bili] ng mga souvenir. Pasensya ka na. Pero ‘to mga maliliit na mga souvenir lang ‘to,” anang fan na patuloy pa ring nanginginig habang iniaabot ang mga pasalubong na iuuwi ni Lyca sa Pilipinas.

Muling nagpasalamat si Lyca at sinabing saludo siya sa bawat Pilipinong OFW sa Dubai.

Kuwela namang humirit ang fan at sinabing nakikipag-away pa siya sa bashers ng singer online.

“I love my bashers,” ani Lyca. “Okay lang po yun.”

Isang muling yakap at halik sa pisngi ang isinukli ni Lyca sa fan bago siya nagpaalam.

Isa si Lyca sa mga Pinoy artists na nagtanghal sa Expo 2020 Dubai kamakailan.