Kamakailan lamang ay usap-usapan ang pagkikita ng mag-amang Diego Loyzaga at Cesar Montano noong Huwebes, Marso 3, 2022, na ibinahagi ng hunk actor sa kaniyang social media posts.

Pitong taon pa lang may sama ng loob si Diego sa kaniyang pudrakels, na ibinahagi na niya sa socmed noong 2017. Grabehan at nakakaloka ang mga binitiwang salita at pahayag ni Diego kay Cesar noon, huh!

BASAHIN: https://balita.net.ph/2017/02/09/diego-loyzaga-sa-social-media-ibinuhos-ang-sama-ng-loob-kay-cesar-montano/">https://balita.net.ph/2017/02/09/diego-loyzaga-sa-social-media-ibinuhos-ang-sama-ng-loob-kay-cesar-montano/

Pero napagtanto rin yata niya na hindi maganda ang ginawa niya, kaya agad din naman niyang binura ang mga post niya.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

BASAHIN: https://balita.net.ph/2017/02/10/diego-binura-ang-lahat-ng-posts-laban-kay-cesar/">https://balita.net.ph/2017/02/10/diego-binura-ang-lahat-ng-posts-laban-kay-cesar/

"7 years is a long time for a son not to see his father. After seven years, after mistakes, God made a way to bring us together again," saad ni Diego.

Diego Loyzaga at Cesar Montano (Screengrab mula sa IG/Diego Loyzaga)

Nagsisisi raw si Diego sa mga nagawa niya noon, dulot ng kaniyang kabataan. Pero hindi pa naman daw huli ang lahat para bumawi sa isa't isa.

"I apologise for the impulsiveness of my youth. If we could take back the words and the distance and the time wasted, I would.

One thing we can do is make up for it. It was so good to see you and play ball with you today."

May paalala naman siya sa mga anak na kagaya niya.

"Value your family and loved ones today for tomorrow is not promised. As I mature, the more I wish saying sorry was enough to fix all of the world's problems. Just peace and love and nothing else matters."

Ibinahagi rin ni Diego ang litrato ng basketball bonding nila ng amang si Cesar, at ang ilan sa mga throwback photo nila noong baby pa siya.

Diego Loyzaga at Cesar Montano (Screengrab mula sa IG/Diego Loyzaga)

Natuwa naman ang mga celebrity na malapit sa mag-ama, gayundin ang mga netizen. In fairness daw, maganda umano ang pagpapalaki ng inang si Teresa Loyzaga.

"The most beautiful photos I have seen today."

"Ohhhh?????so sweet. Credit to the mother ????????❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️I'm sure the mother raised him well. Good job???❤️❤️❤️????."

" I strongly believe that in order to find your true love, you must heal yourself first so you could give love! ❤️ This is a great healing for you Diego ❤️."

"Man. This is awesome. Real deal #growth. ????."

Sa comment section naman ay nagkomento ang inang si Teresa.

"You make me proud son.❤️I love you," saad ng aktres. Ibinahagi rin niya sa mismong IG stories niya ang mga litrato ng mag-ama, na sa wakas ay nagkaayos na rin.

May mga pumuri kay Teresa sa magandang pagpapalaki niya sa kaniyang anak.

"Happy to them both ma'am there… nakakaiyak makita magkasama ang mag-ama… Diegs is very very good hearted son…proud of him…"

"You raised him well, good job also to you Ms. Teresa?."

"Nakakaproud ka po Ma'am Teresa?."

"You did great."

"Sobrang ganda and ayos kasi ng pagpapalaki mo sa kanya tita. ❤️ Sobrang buti ng puso talaga niyan ni Diego."

"You raised him well ?. I salute you. ❤️."

Nag-like din sa post ni Diego ang dating misis ni Cesar na si Sunshine Cruz at ang mga kapatid niya rito na si Angelina at Sam Cruz, na ka-close din niya pareho.

Noong nakaraang Pasko ay naispatang ka-bonding ni Cesar ang tatlong anak nila ni Sunshine. 2018 nang ma-grant ang annulment na inihain ng aktres laban sa kaniyang mister.