Nakapanayam ni Ogie Diaz ang malapit na kaibigan at ka-tandem sa vlogging ng pumanaw na komedyanteng si Noemi Tesorero o 'Mahal', na si Mygz Molino, sa kaniyang entertainment digital show na 'Ogie Diaz Showbiz Update' sa latest episode nito.

Kumusta na nga ba si Mygz Molino makalipas ang ilang buwan?

“Medyo nakaka-recover na paunti-unti pero for the mean time, naroon tayo sa proseso para ma-recover ko ang sarili ko, may mga times na ginagawa kong busy ang sarili ko," pag-amin ni Mygz. Miss na miss pa rin daw niya ang kaibigan na nakasama niya sa iisang bubong, sa mga huling sandali ng buhay nito.

Para nga raw niyang nakikita si Mahal sa bawat sulok ng bahay, sa tuwing umuuwi siya mula sa trabaho.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

“Kaya ngayon, ang ginagawa ko every time na naroon ako sa bahay, talagang papasok at papasok sa isip ko ‘yung mga ganoong bagay kasi bawat sulok ng bahay, bawat lugar, sa kwarto, makikita mo talaga siya kaya minsan, lumalabas-labas na rin ako para maiba ‘yung ginagalawan ko," aniya.

“Ngayon, okay naman po sa tulong ng Panginoon. Syempre doon ako kumukuha ng lakas ng loob bukod sa pamilya, sa mga kaibigan, syempre sa ating mga ka-bunso (tawag sa mga subscribers ng vlog nila), sila rin ang nagbibigay sa akin ng lakas ng loob para harapin ang mga pagsubok na dumarating sa akin."

Pagdating naman sa bashers, 'pasok sa kaliwang tenga' na lang at hindi na lamang pinapansin ang mga pinagsasabi laban sa kaniya. Nilinaw rin niya na maayos ang relasyon nila ng mga kaanak ni Mahal.

Payo naman daw ni Ogie Diaz sa kaniya, baka bet na niyang humanap ng bagong makaka-tandem sa vlog, upang mas makapag-move on na siya sa pagkawala ni Mahal.