Dahil sa makahulugang Facebook posts nina Elisse Josonn at Mccoy de Leon kamakailan, ilang Marites agad ang nagsabing tila dumaraan sa isang pagsubok ang live-in couple.

Kamakailan lang ay masayang larawan pa ang binahagi ng dalawa sa kanilang social media kasunod ng binyag ng kanilang panganay na si Baby Felize.

“Akala ko ok[ay] na pero nakakapagod pala. Gabi-gabi na lang ako walang tulog. Babad sa isip ko kung paano matitigil yung paghihirap namin ni baby,” makahulugang post ni Elisse noong Biyernes, Marso 4.

“Ayoko na,” dagdag na saad nito na tila sumusuko sa pinagdadaanang pagsubok.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Agad din namang sumagot si McCoy sa kanyang Facebook post. “Maya’t maya akong nagchecheck para siguraduhin na okay kayo. Wala na rin akong maayos na tulog. Pero sana kahit ganito, hindi tayo susuko dahil gagawin ko ang lahat mapasaya at maprotektahan kayo ni baby.”

Agad na kumalat ang ilang espekulasyon ng mga online Marites kabilang umano sa nagbabadyang hiwalayan ng dalawa.

Naloka naman ang netizens ng kagatin ng isang baby brand ang naging sagutan ng dalawa. Sa magkahiwalay na Instagram story ng diaper brand, kapansin-pansin ang tila PR strategy nito nang sagutin ang mga hinaing ng dalawa.

“Hugs, Mommy @elissejosonn. Paano kaya kami makakatulong? Nandito lang kami para sa inyo ni baby,” mababasa story ng naturang brand ng diaper.

“Hello @mccoydeleon. Makakatulong kaya kami? We’re here if you need us,” saad nito sa isa pang story.

Umani naman agad ito ng nakakaaliw na reaksyon mula sa netizens.

 “’Wag kasi assumera mga Marites! Puro kayo chismis, wala naman nabanggit about sa relationship nila tas kayo pa galit, [emoji]” komento ng isang netizen sa isang showbiz community page.

“Nalungkot ako ng ilang araw akala maghihiwalay din kayo wag naman bagay na bagay kayo sana wag tumulad sa iba na easy lang kong palitan ang partner.”

“Napaniwala nyo ako#McLissekaloka kayo. Muntik nako naniwala. Affected na affected ang peg ko kase para sa baby nyo. Na wish ko buong pamilya nyo,?????

“Nag-worry kaya ako?buti nalang di naman pala totoo....stay inlove..beautiful family❤

Ang real-life couple ay unang nagtagpo sa reality TV show ng ABS-CBN na Pinoy Big Brother.