Ayon mismo kay showbiz columnist Lolit Solis, 'mabubuwag' na raw ang trio nila nina Cristy Fermin at Mr. Fu sa kanilang online showbiz show dahil may 'pupuntahan daw na mas masayang lugar' si Cristy.

Hindi na raw masaya si Cristy sa ilang mga pangyayari, na hindi na binanggit pa ni Lolit, sa kaniyang Instagram post ngayong Marso 6, 2022.

Mr. Fu, Lolit Solis, at Cristy Fermin (Larawan mula sa IG)

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

"Ang ganda sana next week dahil ika-134 episode na ng TIPMMG, Salve. Three years, tapos sa 133 episodes tayo nag-ending dahil nga ibang journey na ang gusto ni Cristy dahil hindi na siya happy sa ilang pangyayari."

Matibay na raw ang bonding nilang tatlo sa show, kaya medyo sad si Lolit na hindi na sila magkakasamang tatlo, bagama't stay naman si Mr. Fu sa programa nila.

"Sayang nga na kung kelan kilala na namin mabuti ang bawat isa, at close ng matatawag ang bonding namin tatlo nila Mr. Fu, saka pa mahihinto ang samahan. Hindi mawawala iyon friendship, nawala lang iyon pagkikita kita tuwing Martes 12/1 sa Obra ni Nanay Gallery na parang ikadalawang bahay na natin."

"Sad na iyon nakagawian mo na 3 years bigla mapuputol, pero sure ako lahat tayo makaka-feel ng melancholia. Sana nga ito na lang ang pandemic na daraanan ng journey natin, dahil maganda naman paghihiwalay. Ngayon nga na Sunday, minamadali ko na ang araw para maging Martes na, dahil sa excitement na magkikita-kita ang Team Take it."

"Hay naku, talagang sad ako, paano na ang mga followers natin nasa abroad, iyon mga naging friends narin natin dahil sa Take it, huh huh huh, buti na lang at blessed Sunday, daanin ko na lang sa dasal para mawala sadness ko. ❤️??#classiclolita #takeitperminutemeganun," aniya.

Samantala, hindi naman nabanggit ni Lolit kung ano ba ang journey na tinutukoy niya na nais tahakin ni Cristy. Ito ba ay ibang proyekto, o literal na aalis na siya ng Pilipinas at maninirahan na sa ibang bansa? Wala pang sey ang showbiz columnist tungkol dito.

Isa pang tanong, paano na ang kaniyang radio program na 'Cristy Ferminute' kasama si Romel Chika na tambayan ng mga 'Marites' para makasagap ng mga showbiz ganap?

Sa kasalukuyan, itinuturing sina Cristy at Lolit bilang mga 'haligi' at 'reyna' ng mga showbiz chikas kaya nalulungkot ang mga tagahanga nila kung bibitiw na sila sa kani-kanilang mga ginagawa.

Samantala, abangers na ang madlang pipol sa pagkaklaro ni Cristy tungkol dito.