Usap-usapan ngayon ng mga netizen ang isang kumakalat na litrato sa social media, kung saan makikitang magkasama habang kumakain ang mag-ex jowa na sina Diego Loyzaga at Barbie Imperial.

Tanong ng bayan: nagkabalikan ba sila?

Diego Loyzaga at Barbie Imperial (Larawan mula sa FB)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Matatandaang kinumpirma mismo ni Barbie na nag-babu na si Diego sa kaniyang buhay noong Pebrero 5.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/05/diego-loyzaga-at-barbie-imperial-hiwalay-na-nga/

Umaasa pa naman ang madlang pipol na tagahanga ng dalawa na magkakaayos at magkakabalikan ang dalawang ex-love birds, pero mukhang malabo ito, mula na rin mismo sa bibig ni Barbie na hindi niya ugaling makipagbalikan sa mga naging jowa na. Kung tapos na, tapos na at babu na!

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/16/barbie-hindi-nakikipagbalikan-sa-mga-ex-jowa-learn-to-let-go/

"Pero yung natutunan ko sa mga past relationships ko was kailangan mo pala talagang mahalin ang sarili mo. Totoo pala 'yun. Paubos na ako nang paubos, bigay pa rin ako nang bigay ng love sa ibang tao," ani Barbie nang matanong siya sa isang panayam, sa media conference ng digital series niyang 'The Goodbye Girl' kasama si Angelica Panganiban.

"So, for me, parang what if ibahin ko ngayon? Sarili ko naman ang mahalin ko and then let’s see kapag…too much details. Delete! If you don’t love yourself talaga, parang ang mangyayari, go with the flow ka na lang."

“Love yourself para buo ka. Yung tapang mo nandiyan, yung paninindigan mo nandoon,” dagdag pa.

Sana lang daw, mapanindigan niya ito, lalo't mahirap daw talagang magsalita nang tapos. Para kasi kay Barbie, kapag nagkalamat na dati ang relasyon, mahirap na itong buuin. Maganda rin umano na kapag nagkasaulian na ng mga kandila sa isa't isa ay maayos naman at hindi nagkagirian pa.

"Biggest lesson ko pagdating sa love is learn to let go. Kasi minsan di na rin enough yung mahal niyo yung isa’t isa. Like, if kung wala nang growth, wala na kayo naiaambag na growth para sa isa’t isa. Para saan pa yung relationship if puro away, puro pangit nangyayari?"

Hinala naman ng mga netizen, mukhang reposted at recycled lamang ang naturang litrato, na maaaring kuha raw noong sila pa. Sa kasalukuyan kasi ay wala namang nababanggit sina Diego at Barbie sa kani-kanilang mga social media account. Hindi tiyak kung kailan nakuhanan ang naturang larawan.

Ang huling post ni Diego ay bonding moments nila ng kaniyang tatay na si Cesar Montano, na matapos ang pitong taon ay muli na niyang nakasama at nakaayos.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/03/06/teresa-proud-mama-pinuri-ng-mga-netizen-sa-magandang-pagpapalaki-kay-diego/

Samantala, wala pang sey sina Diego at Barbie tungkol dito.