Isa sa mga napag-usapan nina Cristy Fermin at Romel Chika sa kanilang showbiz/entertainment radio program na 'Cristy Ferminute' ang kumalat na chismis na buntis umano ang isa sa mga biggest star ng ABS-CBN na si Kathryn Bernardo, at syempre, ang ama umano ay si Daniel Padilla, na katambal bilang 'KathNiel' at real-life jowa niya.

Nag-ugat umano ang chikang ito sa kumalat na edited thumbnail ng aktres sa social media kung saan may nakalagay umanong pregnancy test kit at may nakalagay pang caption na 'I’m pregnant'. Windang ang TikTok world sa chismis na ito kaya naging usap-usapan din hanggang sa Twitter world.

Marami sa mga netizen ang napapunta tuloy sa YouTube account ng aktres upang i-check kung trulalu at walang halong eklavu ito.

Ayon sa mga 'chi-chi' ng source ni Cristy, ang masasabi niya, dehins totoo ito. Pero kung trulagen naman daw na nagdadalantao na si Kathryn, palagay niya ay wala namang kuwestyon doon.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

"Isa lang po ang sinagot ko, hindi ako naniniwala at kung sakali man na totoo, meron po bang kuwestiyon? Eh alam naman natin na mahigit na isang dekada na silang magkarelasyon ni Daniel Padilla. Napag-uusapan na rin po nila ang pagpapakasal kaya lang pareho po silang nagkakaintindihan na may mga mas importanteng bagay pa silang kailangan tutukan," aniya.

Nasa tamang edad na raw ang dalawa at may napatunayan naman na sa showbiz industry. Sa katunayan, ang tambalang KathNiel ay isa sa mga matatagumpay na tambalan sa showbiz ngayon na may napakalaking fandom, at hindi basta-basta mabubuwag.

Sa katunayan, magbabalik-teleserye na sila. Kaabang-abang na ang romantic comedy series nilang '2 Good 2 Be True' na mapapanood na sa Primetime Bida ng Kapamilya Network at sa lahat ng platforms nito.

Kathryn Bernardo and Daniel Padilla mark TV comeback in '2G2BT' – Manila  Bulletin
Kathryn Bernardo at Daniel Padilla (Larawan mula sa Manila Bulletin)

Anyways, hanggang ngayon ay wala pang tugon o pahayag ang panig ni Kathryn, o ni DJ, tungkol sa kumalat na isyung ito.