Sa kaniyang latest Instagram post, sinabi ng showbiz columnist na si Lolit Solis na hindi na raw magkakabalikan ang mag-asawang Tom Rodriguez at Carla Abellana, na sa pagpasok pa lamang ng 2022 ay napabalitang hiwalay na, at habang tumatagal, nanganganak nang nanganganak ang mga isyu o chismis sa dahilan kung bakit nangyari ito.

"Hindi na raw posible na magbalikan sila Tom Rodriguez at Carla Abellana, Salve. Parang iyon paghihiwalay nila nagkaroon na ng closure at hindi na puwede pang ibalik sa dati. Baka nga sa kaso nilang dalawa nawala na rin pati respeto kaya mahirap ng maayos pa," pahayag ng showbiz columnist.

"Nanghihinayang ang marami dahil hindi nila akalain sa ganito ito magtatapos. Nakita pa naman nila na parang perfect match noong una ang dalawa. Ang ganda pa naman nila together at iniisip mo na siguro ang gaganda ng mga magiging anak ng dalawa."

"For Tom and Carla, hindi naging maganda iyon second chance dahil lalo pa silang nagkalayo. Siguro nga, na-outgrow nila ang love nila, kaya nawala ito at ngayon nga ay parang naging sour o mapait pa ang resulta."

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Subalit hangad ng showbiz columnist na sana raw ay magkaayos pa ang Kapuso couple.

"Sana naman matagpuan din nila ang happiness someday, dahil mukha naman mabait silang mga tao at karapat-dapat lumigaya. Better luck next time Tom Rodriguez and Carla Abellana, love will find a way into your heart, ihahanap kayo nila Gorgy at Salve, promise❤️."

Carla Abellana at Tom Rodriguez (Screengrab mula sa IG/Lolit Solis)

Samantala, wala pang malinaw na kumpirmasyon o pahayag sina Tom, Carla, o silang dalawa, kung totoo ba ang mga kumakalat na intrigang hiwalay na nga sila. Hanggang ngayon kasi ay nananatili pa rin silang tahimik sa isyu, at marahil umano ay pinili na lamang na isapribado kung anuman ang pinagdaraanan nila ngayon sa kanilang buhay-mag-asawa.

Hindi nakaligtas sa mapanuring mata ng mga netizen na hindi na suot ni Carla ang kaniyang wedding ring, sa latest vlog nito.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/07/carla-abellana-may-bagong-vlog-mga-marites-napansing-hindi-suot-ang-wedding-ring/

Nagsalita si Carla hinggil sa isyu ng pag-unfollow sa social media at aniya, ang lakas maka-grade school nito, pero hindi naman niya sinagot ang mga intriga na kung talaga bang nag-unfollow sila sa isa't isa ng kaniyang mister sa IG.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/24/carla-i-find-it-very-grade-school-to-unfollow-follow-important-persons-in-your-life-on-social-media/

Ang pinag-uusapan ngayon ng mga netizen ay ang pagla-like ni Carla sa mga negatibong komento ng mga netizen laban sa kaniyang mister.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/27/mga-netizen-nag-react-sa-pag-like-ni-carla-sa-cheater-at-gay-comments-kay-tom/

Ayon kay Cristy Fermin, sana man lamang daw ay isa sa kanila ang magsalita para matigil na ang panganganak ng mga isyung kinasasangkutan nila. Sa latest episode ng Cristy Ferminute, lumutang pa ang isyu tungkol sa isa sa mga pinag-ugatan umano ng away ng dalawa: ang usaping pera.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/03/03/bukod-sa-cheater-at-gay-issues-tom-at-carla-may-isyu-sa-datung/

Kakakasal lamang nina Tom at Carla noong Oktubre 2021.