Umere na ang unang episode ng ''The Exorcism of Len-len Rose' ngayong Marso 6, 2022 ng 12:00 ng tanghali, Linggo, tampok sina Juliana Parizcova Segovia, Roanna Marie Mercado, Senadora Imee Marcos, sa direksyon at panulat ni Darryl Yap.

Ang tinutukoy na karakter na si 'Len-len', na batay sa pagkakalarawan sa 'Kape Chronicles' ay isang puppet, na sinaniban ng masamang espiritu sa pinakabagong 'parody video' ng VinCentiments.

May pamagat ang episode 1 na "I Know What You Did Last Summer 2016."

Nagsimula ito sa monologo ng karakter na ipino-portray ni Roanna Marie Mercado.

Karina Bautista, PH navy reservist na

"Alam n'yo po, ito talaga ang pangarap ko eh… pangarap ko po ito dahil isa rin akong ina… at sigurado po ako… sa lahat po sa atin, ito rin ang pangarap natin, para sa mga anak natin! Isang kinabukasan na kulay cotton candy ang buhay!"

Makikita sa video ang tumatakbo-takbong si Juliana habang nakayapak at may bitbit na mga aklat at sapatos na may mataas na takong.

"Nakikiusap po kami… mangumbinsi kayo… sige na… manghikayat… lalo na po yung mga nasa social media! Yung mga nag-iistream sa FB. Kumausap… sama-sama nating akayin ang 7,100 islands."

"Alam nating lahat ang ginawa ni Len-len… alam kong alam n'yong lahat! Kasi ako… I know what you did last summer… 2016!"

Sunod naman, pumasok na ang karakter ni Juliana. Napahinto ito sa pagtakbo ng makapasok sa isang tila simbahan.

"Wala akong kodigo. Di ko alam sasabihin ko…" aniya. Maya-maya, nagkatagpo-tagpo na ang tatlong karakter.

"Senator, kumusta na po si Len-len, magaling na po ba siya?" tanong ni Julianna.

Ngunit tila natigilan ang tatlo.

"Ha? Bakit? Naging magaling ba si Len-len?" tanong ni Roanna. Sabay-sabay silang sumagot. "Hindi!"

Sen. Imee Marcos, Juliana Parizcova Segovia, at Roanna Marie Mercado (Screengrab mula sa VinCentiments)

Maya-maya, bumangon si Len-len mula sa pagkakahiga sa kama at mapapansing nakatali ang mga kamay nito sa headboard ng kama, na para bang sinasaniban.

"Ayaw ko kasing i-rate ang sarili ko eh! Pero sige, one for effort," sagot ng napo-posses na puppet. Napa-Len-len! naman ang tatlo.

Maya-maya, pinansin ni Sen. Imee si Juliana na may bitbit na mga aklat at sapatos na may mataas na takong.

"Ito Ma'am? Parisian ito. Bigay sa akin ng jowa ko, size 7."

"Hindi 'yan, ito, ano 'yan?" tanong ng senadora sa aklat na bitbit ni Juliana.

"Ma'am… galing po ako sa napakaraming simbahan, pero ayaw nilang tulungan si Len-len!" ani Juliana. Sinampal siya nang bahagya ni Roanna at sinabihang OA.

Lumawig pa ang kuwento sa iba't ibang surveys gaya ng 'Pulse Asia' at iba pa, at nang nagwawala na si Len-len dahil kailangan daw niyang manalo upang hindi mabuking ang ginawa niya noong summer 2016, sinabi ni Sen. Imee na buksan ang ilaw dahil lumalakas si Len-len kapag brown-out.

hanggang sa maibuking sa dulo ang pangalan ng kaluluwang sumasanib kay Len-len, na tinawag sa pangalang 'Joenel!!'

Isang oras pa lamang umeere ngunit pumalo na sa 53K views ang mini-movie.

Lumabas ang official trailer nito noong Marso 1, 2022.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/03/02/vincentiments-inilabas-ang-official-trailer-ng-the-exorcism-of-len-len-rose/

"A very scary, not political horror story. COMING SOON," saad sa caption ng official trailer.