"Hello Dubai, Hello World!"

Nagpakitang-gilas ang magkapatid na Toni at Alex Gonzaga sa ginanap na 'World Expo 2020' sa Dubai, United Arab Emirates noong Marso 3, 2022.

Ito ang unang pagkakataon na nag-perform nang magkasama ang Gonzaga sisters matapos ang dalawang taon na naantala ang mga malakihang social gatherings at events dahil sa pandemya.

Tsika at Intriga

11 na buwan sa kulungan: Ricardo Cepeda, pansamantalang nakalaya

Screengrab mula sa IG/Toni at Alex Gonzaga

May mga madlang pipol naman sa audience na sumigaw ng 'BBM!' BBM!' 'BBM!' habang nasa entablado si Toni.

"Kayo talaga! Uy quiet,” nakangiting pabirong saway ni Toni Gonzaga, na naging kontrobersyal noong Pebrero, matapos maging host ng UniTeam proclamation rally noong Pebrero 8, 2022 sa Philippine Arena. Nakaranas ng 'cancel culture' si Toni sa social media, matapos kuwestyunin ang delicadeza niya bilang isa sa mga biggest star ng ABS-CBN, matapos umano niyang ipakilala si senatorial aspirant Rodante Marcoleta, na kabilang sa senatorial slate nina BBM at Inday Sara Duterte.

Inawit ni Toni ang ilan sa mga pinasikat niyang awitin gaya ng 'We Belong', 'Catch Me', at 'Starting Over Again'.

Samantala, may apela naman siya sa audience. Kahit daw wala na siya sa 'Pinoy Big Brother' bilang main host, ang reality show ng Kapamilya Network, sana raw ay tangkilikin pa rin ito.

"Sana kahit wala na ako sa PBB, sana manood pa rin kayo ng Pinoy Big Brother. Mahalin pa rin natin si Kuya at ang kanyang mga housemates," aniya.

Matatandaang nagbitiw bilang main host ng PBB si Toni noong Pebrero 9, 2022.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/09/evicted-toni-gonzaga-napaulat-na-mawawala-na-sa-pinoy-big-brother/">https://balita.net.ph/2022/02/09/evicted-toni-gonzaga-napaulat-na-mawawala-na-sa-pinoy-big-brother/

Ibinahagi naman ni Alex ang kanilang mga litrato ni Toni sa pamamagitan ng IG stories.

Matapos ang kaniyang performance sa Dubai Expo 2020, sinamantala na nina Toni, mister na si Direk Paul Soriano, at anak na si Seve na makapamasyal at makasakay sa rides, sa sikat na 'Ferrari World'.

Toni Gonzaga, Paul Soriano at Seve (Larawan mula sa IG/Toni Gonzaga

"Dream come true for Seve," saad sa caption ng IG post.