Isa umano sa mga dahilan kung bakit napalundag ang tinaguriang movie queen ng kaniyang henerasyon na si Bea Alonzo, mula ABS-CBN patungong GMA Network, ay dahil sa offer sa kaniya na Pinoy adaptation ng hit Korean series na 'Start-Up'.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/03/04/alden-richards-bea-alonzo-bibida-sa-pinoy-remake-ng-hit-kdrama-series-start-up/

Nitong Marso 4, natuldukan na ang mga naunang kumakalat na chismis (na sabi pa noong una ay fake news daw) na magsasama-sama sa adaptation nina sina Bea, Alden Richards, Jeric Gonzales, at Yasmien Kurdi. Ngunit ang kumpirmado lamang ay sina Bea at Alden.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/17/bea-alonzo-jeric-gonzales-yasmien-kurdi-at-alden-richards-magsasama-sama-para-sa-start-up-remake/

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Kaya raw talagang nakumbinsing pumirma ng exclusive contract sa Kapuso Network ang A-list actress ng Kapamilya Network, dahil sa proyektong ito.

"Alam mo, nakakatuwa kasi even before I signed with GMA, my first-ever meeting with the bosses, ito na yung na-pitch sa akin, and this is one of the reasons why I decided to become a Kapuso," pagbabahagi ni Bea sa panayam ni Nelson Canlas sa flagship newscast ng GMA na '24 Oras'.

"So now that finally, finally, it is happening, I am very very excited."

Kinakabahan daw siya na makatrabaho si Asia's Multimedia Star Alden Richards, na bago pa ang Start-Up, ay una nang napabalitang makakasama niya sa isang pelikula na ipoprodus ng GMA Pictures, APT Entertainment, at VIVA Films.

"I know he's such a brilliant actor, nakita ko rin siya sa workshops namin and sobrang nakaka-impress yung performance niya."

"So, kahit ako, kinakabahan na makasama si Alden. Iniisip ko, I have to be on my toes, kailangan galingan ko rin kasi magaling si Alden."

Samantala, dream project naman ito para kay Alden lalo't matagal na nga niyang inaasam na makatrabaho ang aktres, na dati ay pinanonood lamang niya sa mga pelikula nito sa Star Cinema. Ultimo mga maliliit na detalye raw ay kinokonsidera ni Bea kapag nagwo-workshop sila.

Nasasabik na rin sa proyekto si Alden dahil ito raw ang unang KDrama series na pangungunahan niya ang Pinoy adaptation.

Samantala, hindi pa tiyak kung sino-sino ba talaga ang mga mapabibilang sa final casting ng seryeng ito.