Kinumpronta nga ba ni Karla Estrada si Mama Loi, tandem ni Ogie Diaz sa isang showbiz program sa YouTube, matapos magkasalubong sa isang paliparan kasunod ng kani-kanilang campaign sortie para sa magkaibang political tandem?

Sa episode ng Ogie Diaz Showbiz Update sa YouTube nitong Miyerkules, ibinahagi ng co-host ni Ogie ang pagkikita-kita nila sa isang paliparan sa Iloilo.

Ito’y matapos ang campaign events na dinaluhan ni Ogie at Mama Loi para sa Leni-Kiko tandem Presidential aspirant and Vice President Leni Robredo at Vice Presidential candidate Sen. Kiko Pangilinan. Sa campaign sortie naman ni Presidential aspirant Bongbong Marcos, nagtanhal si Momshie Karla.

Kwento ni Mama Loi, direkta umanong nagsalita ang Magandang Buhay host sa kanya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Sabi ko sa kanya, ‘Hi Mamshie! kumusta ka na? Sabi niya eto, ok lang. Kayo ha kung ano-ano pinaririnig niyo sa amin ah! Sabi niyang ganun,” pagbabahagi ni Mama Loi.

Tugon naman ni Mama Loi, “Ha? ha? ha? Hindi po ako ‘yun ah?” 

Samantala, naniniwala naman si Ogie Diaz na maaari pang bumalik sa programang Magandang Buhay si Karla.

Nang magsimula ang election campaign, si Songbird Regine Velasquez-Alcasid na ang pumuno sa pagkawala ni Karla.

Samantala, nang tanungin kung tatanggapin ni Ogie ang alok na maging nominee ng Partylist na kinabibilangan ni Karla, siguradong pagtanggi ang tugon ng celebrity manager.

“Nag-‘no to franchise’ sila no,” ani Ogie na tinutukoy ang pagboto ng TINGOG Partylist laban sa renewal ng ABS-CBN noong 2020.

“Hindi naman sa lahat ng pagkakataon, pera ang paiiralin natin. ‘Wag natin kalilimutan na may prinsipyo pa rin tayo,” dagdag na sagot ni Ogie nang tanungin ng isang hypothetical situation kung tatanggapin ba nito ang alok ng isnag partylist kapalit ng isang milyong bayad.

Kilalang Kakampink si Ogie Diaz na kamakailang nakita sa ilang campaign sortie ng Leni-Kiko.

Balita: Ilang artista sa campaign rally ng Leni-Kiko tandem, ‘di nagpabayad ‘ni singkong duling’ — Ogie – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Una nang sinabi ng celebrity manager na wala silang tinatanggap “ni singkong duling” sa pagsuporta sa tandem.