Classy pa ring sinagot ng fashion icon at Kapuso actress na si Heart Evangelista ang mga nagsasabing ang “arte” niya gayundin ang mga hindi maunawaan ang kanyang maya’t mayang pagrampa suot ang mamahaling brands.

Kasalukuyang nasa Paris ang aktres para sa ilang serye ng fashion shows. Kamakailan, namataan ang aktres sa parehong fashion event na dinaluhan ng Blackpink member na si Jisoo. Ang Kpop idol ang brand ambassadress ng luxury brand na Christian Dior na kamakailang winelcome din si Heart.

Basahin: Heart Evangelista at Blackpink Jisoo, namataan sa parehong fashion event sa Paris – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Nitong Huwebes, Marso 3, sa isang Instagram video, classy and sophisticated pa ring sinagot ni Heart ang mga patuloy na nagsasabing ang arte niya gayundin ang mga hindi makaunawa sa kanyang linya ng trabaho.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

“All I can say is don’t listen. You do you and you’d be you. Express your individuality in every way possible--paint, rest up--do anything you want as long as wala kang tinatapakan. Learn to live life to the fullest. YOLO!” kalmadong payo ni Heart sa maikling video.

Larawan mula Instagram ni Heart Evangelista

“Just be yourself and let go. Dress the way you want to. I-run way mo yung buong buhay mo if you want.  At the end of the day, what’s important is, you live your life to the fullest. Life’s a party,” dagdag ng fashion socialite.

Larawan mula Instagram ni Heart Evangelista

Kilala si Heart sa kanyang magarbong lifestyle bilang endorser o partner ng kabi-kabilang fashion brands. Dahil dito, kadalasang hindi nauunawan ng ilan ang kaniyang maya’t mayang pagrampa sa kaliwa’t kanang fashion shows sa Paris.

Sa isang panayam noon ng aktres kasama ang asawang si Sorsogon Governor Chiz Escudero, naging usapan ng dalawa ang tungkol sa mga bashers na ani Chiz ay bahagi ng lifestyle ni Heart bilang isang public figure.