Suportado ng kamag-anak ni Vice President Leni Robredo si dating senador Bongbong Marcos Jr. sa darating na national election.
Aktibong nangangampanya si Irvin Sto. Tomas sa Minalabac, Camarines Sur, second cousin ni Robredo, para kay Marcos Jr. at maging sa running mate nitong si Sara Duterte.
Sa eksklusibong panayam ni Sto. Tomas kay " data-type="URL" data-id="">Erwin Tulfo noong Pebrero 12, sinabi niya na ang eleksyon ay hindi tungkol sa kung sino ang kamag-anak o kababayan.
"This election, hindi naman talaga about sa kung sino ang relative mo o kung sino ang kababayan mo. Election is actually to elect a president na magli-lead sa country," ani Sto. Tomas na isang guro at cultural activist.
Sinabi rin niyang minsan na rin siyang nangampanya para kay Robredo noong 2013. "I think siguro nakilala ko naman si Leni because I campaigned for her in 2013 nung nag-congressman siya."
"Siguro hindi naman siya one million dollar question, kumbaga kung sino talaga yung karapat-dapat. For me it's BBM," ayon pa sa kanya.
Taong 2016 nang manalo bilang bise presidente si Robredo, sinabi ni Sto. Tomas na na-neglect pa rin umano ni Robredo ang Bicol Region.
Ang Bicol region partikular ang Camarines Sur ang hometown ng bise presidente.
"'Yun nga yung medyo hindi nakakatuwa kasi meron na sanang chance yung Bicol na may vice president na kaso parang na-neglect pa rin yung region," anang second cousin ni Robredo.
Marami na rin daw sa Bicolandia o Bicol region ang tumalikod kay Robredo at sinusuportahan umano ang BBM-Sara.
"Hindi lang naman ako ang ganito, ako lang naman yung parang masyadong vocal," dagdag pa niya.
Samantala, wala pa namang pahayag si Robredo tungkol sa panayam ng second cousin niya.