Ilang ulat ang kumakalat ngayon kaugnay ng umano’y pagkapaslang kay Miss Grand Ukraine 2015 Anastasia Lena sa gitna pa rin ng depensiba ng kanyang bansa laban sa pananakop ng Russia.

Ginulat ng dating beauty queen ang buong mundo nang ibalandra nito ang tapang upang tumindig para sa Ukraine kasunod ng pag-atake ng Russia sa ilang hangganan at kampo ng militar ng kanilang bansa.

Hindi naman nakaligtas sa fake news ang Ukrainian beauty queen. Sa isang news website nitong Pebrero 27, sinabi nitong napaslang umano si Anastasia sa Russia.

Internasyonal

Finland, muling kinilala bilang 'happiest country in the world'

Screengrab mula Morning Express website

Kung bibisitahin ang Instagram account niya, mapapansin nakapagbahagi pa ito ng panawagan noong Pebrero 28, taliwas sa ulat.

Samantala, nilinaw naman ng beauty queen na hindi siya opisyal na kasapi ng Ukrainian defensive military taliwas sa mga kumalat na balita.

Basahin: Dating Miss Grand Ukraine, nagbalik-militar para depensahan ang bansa vs Russia – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“I am not a military, just a woman, just normal human. Just a person, like all people of my country,” direktang saad ni Anastasia na sinabing siya rin ay isang airsoft player dahilan ng kanyang hawig na military gear.

“All pictures in my profile to inspire people. I had a normal life just on Wednesday, like millions people,” dagdag ng Ukrainian beauty queen.

Basahin: Ukrainian fan, takot mamatay nang ‘di nalalaman ang wakas ng ‘One Piece’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Hindi niya rin aniya layon na magkalat ng propaganda bagkus ay gusto lang nitong ipakita sa mundo ang tapang, kumpiyansa at katatagan ng mga kababaihan sa Ukraine.

“I appreciate all attention and support to my country, all people in Ukraine we fight every day against Russian aggression,” ani Anastasia.

Kumpiyansa rin ang beauty queen na ipapanalo ng kanyang bansa ang kanilang laban. “Ukrainian people have no guilt. None of us have any guilt. We are on our lands!” dagdag na saad nito.

Samantala, sa pinakahuling ulat ng Ukraine health ministry nitong Linggo, tinatayang 352 na mga sibilyan kabilang ang 14 na mga bata ang nasawi mula nang magdeklara ng full-scale war ang Russia laban sa kalapit na bansa.

Basahin: Sikat na Ukrainian boxer, nagbalik-bansa bilang bahagi ng military defense vs Russia – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid