Pansamantalang inalis ng bansang Ukraine noong Martes ang visa requirements sa mga dayuhang nais pumasok sa bansa at lumaban sa mga puwersa ng Russia.
Ayon sa isang artikulo ng The Washington Post, naganap ang hakbang na ito matapos lumikha ng International Legion of Territorial Defense ang Ukrainian Presidente na si Volodymyr Zelensky noong weekend at nanawagan sa mga volunteers na sumali sa pagtatanggol ng Ukraine, Europa, at ng mundo.
Humihiling din sa mga dayuhan ang pamahalaan ng Ukraine na tumulong na lumaban sa nangyayaring digmaan. Ilan naman ang nakinig sa panawagan sa kabila ng napakalaking panganib at hindi tiyak ang batayan.
Sa isang Twitter post noong Pebrero 27, sinabi ni Foreign Minister Dmytro Kuleba na kung sinuman ang interesadong sumali na depensahan ng Ukraine, kontakin lamang ang foreign diplomatic nito.
"Foreigners willing to defend Ukraine and world order as part of the International Legion of Territorial Defense of Ukraine, I invite you to contact foreign diplomatic missions of Ukraine in your respective countries. Together we defeated Hitler, and we will defeat Putin, too," ani Kuleba.
Simula pa noong 2014, nakikipaglaban na ang mga dayuhang mamamayan sa Ukraine nang agawin ng mga separatista na suportado ng Russia ang mga bahagi ng rehiyon ng Donbass.
Ngunit ayon sa mga ekspertong sumusubaybay sa mga dayuhang mandirigma, ito ay isang hakbang na higit pa umano sa ambisyon.
Hayagang kasangkot ang embahada ng Ukraine sa pangangalap ng mga mandirigma, habang ang Western governments ay nag-aalok ng suporta para sa mga nais sumali sa panig ng Ukrainian.
“It’s potentially way, way bigger than it was in 2014,” ani Kacper Rekawek, isang postdoctoral fellow sa Centerfor Research at Extremism sa University of Oslo na nag-aral tungkol sa foreign fighters sa Ukraine. Ayon din kay Rekawek, nasa 1,000 mandirigma ang kasangkot noon.
Gayunman, hindi pangkaraniwan ang mga panganib. Hindi rin umano matagumpay ang pag-uusap sa pagitan ng Kyiv at Moscow. Hindi bababa sa11 na katao ang namatay sa silangang lungsod ng Kharkiv noong Lunes at marami pa umano ang sugatan, ayon sa opisyal ng Ukraine.
“It’s very dangerous for people to travel [to Ukraine] at the moment,” ayon naman kay Ed Arnold, isang research fellow sa European security sa London-based Royal UnitedServices Institute think tank. Aniya pa, "Fighting in a war is not as easy as picking up a weapon and just going to fight."