Mukhang gumagawa ng eksena at pangalan sa Amerika ang dating 'Starstruck' contestant sa GMA Network at naging Kapamilya star na si Arci Muñoz dahil matapos dumalo at rumampa sa red carpet premiere ng isang Hollywood movie, siya naman ay tampok ngayon sa March issue ng fashion mag na 'Now Magazine'.

Pasabog si Arci sa cover ng naturang fashion magazine na kinunan ng celebrity photographer at editor-at-large nito na si Filbert Kung. Ang dating aktres at acting coach na si Beverly Vergel ang nagbahagi ng proyektong ito ni Arci sa kanyang Instagram.

Aniya, hiniling ni Arci na gawin ang photoshoot sa parehong lugar kung saan gumawa ng movie project ang hit Korean all-male group na 'BTS'. Sina Beverly at Arci ay magkaibigan.

"If not now, when?! Waaahh!! Thank you sooo much this feature and for granting my request to shoot at the #bts ON MV location. #army,” saad ni Arci sa kaniyang Instagram caption.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sreengrab mula sa IG/Arci Muñoz

Sreengrab mula sa IG/Arci Muñoz

Bilib daw ang buong magazine team sa pagiging propesyunal at work ethics ni Arci dahil wala raw itong kiyeme sa mga pinagawa sa kaniya, kahit umakyat pa ito sa kabatuhan habang nakasuot ng sapatos na may takong.

Marami naman sa mga netizen ang nakapansin na tila hawig na raw ni Hollywood actress Angelina Jolie si Arci batay sa mga litrato nito.

Samantala, todo-pasalamat naman si Arci sa pagkakataong ito na naibigay sa kaniya.

May mensahe rin siya para sa International Women's Month.

Sreengrab mula sa IG/Arci Muñoz

Sreengrab mula sa IG/Arci Muñoz

"Here’s to strong women, may we know them, may we be with them. May we raise them.! #internationalwomensmonth," aniya, kalakip ang mga litrato niya mula sa shoot.