Kamakailan lamang ay napabalita ang pagkapuyat sa panonood ng TikTok videos si Kapamilya star Kim Chiu, hinggil sa nagaganap na digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine, matapos niya itong ibahagi sa kaniyang Instagram story.

"Yung napuyat ka kakanood ng videos about Russia and Ukraine," sey niya sa text caption ng pinag-usapan niyang IG story, kung saan ipinakita pa niya ang mukha niyang tila puyat nga.

"Wala lang, gusto ko lang magets. Now I know. Grabe pala. In fairness sa TikTok dami mong makukuhang info, news and all (clapping hands). La lang share ko lang. Baka madami din curious about it like me."

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/27/kim-chiu-napuyat-kakanood-ng-tiktok-videos-tungkol-sa-sigalot-ng-russia-ukraine/

Kalokalike ni Awra Briguela, mas maganda pa raw sa kaniya

Nakarating na yata sa kaniyang kaalaman ang tungkol dito, kaya nagtataka siya kung bakit na-headline pa ito sa iba't ibang news outlet.

Sa latest Instagram story, muli niyang ibinahagi ang kaniyang pinag-usapang litrato, na nilagyan niya ng text caption.

"Bakit headline 'to???! Parang di dapat, lang kuwenta naman! Shinare ko lang sa umaga! Like usual. Mali ba?" saad niya. Inilakip pa niya ang screengrab ng isang balita mula sa isang TV network.

No description available.
Screengrab mula sa IG/Kim Chiu

Umani kasi ito ng iba't ibang mga reaksyon at komento mula sa mga netizen. May mga pumuri kay Kim subalit may mga nagsabi rin naman na mas mainam kung hindi siya masyadong kukuha ng mga impormasyon sa TikTok dahil hindi naman daw lahat ay reliable doon.