Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang reunion ng mga magkakaibigang biggest stars ng showbiz industry na sina Angel Locsin, Angelica Panganiban, Dimples Romana, Bea Alonzo, at Anne Curtis na ibinahagi nila sa kani-kanilang mga Instagram account.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/28/reunited-angel-angelica-dimples-bea-at-anne-nagkita-kita/">https://balita.net.ph/2022/02/28/reunited-angel-angelica-dimples-bea-at-anne-nagkita-kita/

This image has an empty alt attribute; its file name is image-487-600x374.png
Angelica Panganiban, Angel Locsin, Neil Arce, Dimples Romana, Anne Curtis, Bea Alonzo, at Dominic Roque (Larawan mula sa IG/Angel Locsin)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ang mag-asawang Angel Locsin at Neil Arce umano ay ang nagsilbing host ng reunion na ito. Kasama ni Angelica ang kaniyang non-showbiz boyfriend at si Bea naman ay ang jowang aktor na si Dominic Roque.

Makikita sa mga litrato na masayang-masaya sila sa kanilang pagkikita, bagama't matagal na raw nila itong ginagawa, ngayon lamang sila nagbahagi ng litrato sa socmed dahil ngayon lamang daw sila nakompleto. Sana nga raw, magsama-sama sila sa iisang proyekto. Tinagurian nga itong 'Queens in One Frame'.

"About last night ?Cue “Do-Re-Mi” soundtrack… ?," saad ni Angel sa caption.

"And.. Just like that ???" wika naman ni Angelica.

"LOVE and HAPPINESS ?❤️? Nothing makes me happier than to see my dearest friends so happy and beaming with so much beauty and love ??. God is good," sey naman ni Dimples.

"Sunday fun day!! Reunion with my favorite girls! ?. Grabe, namiss ko kayo sobra!! Thanks, Gel and Neil for hosting! ❤️." pahayag naman ni Bea.

"Missed these ladies so much! Imagine 2 years worth of catching up! They finally got to meet my little one too. Thank you tita Gel for showing her your cutie chickens! (Tita Bea, next time promise!) Thank you Dahlia and @erwan for letting me stay a little longer to have some chika/Marites time with this lot ?. Till the next one mga mars❣️Let’s not wait too long x," sabi naman ni Anne na nagbabalik-concert matapos ang showbiz hiatus dahil sa panganganak at pandemya.

Speaking of kompleto, iniintriga ng mga netizen kung nasaan daw ba ang kontrobersyal na actress-TV host na si Toni Gonzaga, at kung imbitado ba ito sa kanilang reunion?

Ayon kina Ogie Diaz at Mama Loi sa latest episode ng 'Ogie Diaz Showbiz Update', hindi naman daw yata kasama sa circle of friends nila si Toni Gonzaga, bagama't ang alam ng mga netizen, magkakaibigan sina Toni, Angel, at Bea dahil magkakapatid ang naging role nila sa pelikulang 'Four Sisters and a Wedding' noong 2013, na madalas ay napag-uusapan pa rin at nagagawan pa nga ng memes.

May mga kumakalat pa ngang meme na si Toni raw ang pinag-uusapan at pinapanood ng lima habang nakatawa at nakatingin sa isang cellphone. Pinanonood umani nila ang performance ng 'Roar' ni Toni sa kampanya ng UniTeam, na pinangungunahan ni presidential candidate at dating senador Bongbong Marcos, Jr.

Angelica Panganiban, Dimples Romana, Angel Locsin, Bea Alonzo, at Anne Curtis (Larawan mula sa Twitter)

Wala naman daw katotohanan ang mga kumakalat na memes.

"Enjoyin na lang po natin ang magagandang pictures na talaga namang nakaka-good vibes!" sey naman ni Mama Loi.

Paano nga ba naging magkakaibigan ang limang ito?

Nang lumipat si Angel sa ABS-CBN at ginawa ang fantaseryeng 'Lobo' noong 2008, nagkakilala at naging close sila ni Dimples Romana. Sina Dimples naman at Bea at nagkasama sa box-office movie na 'One More Chance'.

Sina Bea, Anne, at Angelica ay nagkasama sa book 2 ng teleseryeng 'Maging Sino Ka Man' sa ABS-CBN, noong 2007.

Sina Angel at Angelica naman ay bumida sa pelikulang 'One More Try' ng Star Cinema noong 2012.