Balik Paris ang fashion darling at Kapuso actress na si Heart Evangelista para sa isang fashion show ng luxury brand. Parehong event din ang sinadya ni Kpop Blankpink member Jisoo kaya’t ilang netizens ang umasang makita ang dalawa sa iisang frame.

City of Love ang nag-welcome kay Heart sa pagbubukas ng buwan ng Marso nang muli itong lumipad sa Paris para sa imbitasyon ng luxury brand na Christian Dior.

Matatandaang ang huling bumisita ang fashion socialite sa Paris para sa fashion week, opisyal na rin itong naging bahagi ng naturang brand.

Basahin: IN PHOTOS: Heart Evangelista, pasabog ang awrahan sa Paris Fashion Week 2022 – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Samantala, ilang Kpop Pinoy fans naman ang umaasang makikita sa isang frame si Heart at ang Blackpink member na si Jisoo. Nasa City of Love din kasi si Jisoo para daluhan ang parehong event ng Christian Dior.

Dala ng ecxcitement, isang putol na kuha pa ang inakala ngPinoy fans na magkasama sa iisang larawan si Heart at Jisoo.

‘OMGG JISOO TAKING A PICTURE WITH HEART EVANGELISTA??? WE NEED THE WHOLE PHOTO??” mababasa sa caption ng isang Filipino-run Korean content page.

Larawan mula Saranghaeyo Oppa via Facebook

Agad na rin nilinaw ng parehong page na ang France singer na si Louane pala ang kasama ng Korean singer at hindi si Heart.

Larawan mula Saranghaeyo Oppa via Facebook

Gayunpaman, ilang fans ni Jisoo at Heart pa rin ang umaasang magkakaroon ng encounter ang dalawa.

Samantala, 'back to slay' ang mode ni Heart sa panibagong pasabog na awrahan nito sa Paris.

Heart Evangelista via Facebook

Heart Evangelista via Facebook