Ibinahagi ng Kapamilya actor at certified Kakampink na si Edu Manzano ang isang meme tungkol sa nagaganap na digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Kilala si Edu na isang mahusay na aktor at TV host. Pagdating sa aktingan, lagi siyang nalilinya sa pagiging kontrabida, o kaya naman ay seryoso.

Kabaligtaran naman sa hosting. Kung gaano siya kaseryoso at nakakatakot sa mga nagiging roles niya, kabaligtaran naman kapag nagho-host siya ng game show dahil lumalabas ang pagkakuwela niya, na namana naman ng kaniyang anak na TV host din na si Luis Manzano.

Sa tunay na buhay ay talaga raw kalog at kuwela si Edu.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Nakasaad sa kumakalat na meme na ibinahagi niya na "Bakit daw ako apektado sa Ukraine war eh hindi naman ako Ukranian. Ay wow. Ikaw nga apektado sa Miss Universe di ka naman maganda."

Kaya saad ni Edu sa kaniyang tweet na kalakip ito, "I pray we never lose our sense of humor. ??? AND OUR FREEDOMS TOO. ??"

Screengrab mula sa Twitter/Edu Manzano

Samantala, sa isa pang tweet ay tila naging seryoso na sa kaniyang patutsada ang actor-TV host.

Aniya, "If you lie once anything and everything you say in the future will be subject to scrutiny!"

Screengrab mula sa Twitter/Edu Manzano