Muling nagsagawa ng 'Purchase with a Purpose' sa isang grand bazaar ang misis ni presidential candidate at Senador Manny Pacquiao na si Jinkee Pacquiao noong Pebrero 19, 2022, sa Makati Diamond Residences, kung saan ibinenta niya ang ilan sa mga pre-loved designer items niya na talaga namang hindi rin biro ang presyo.

Batay sa Instagram post ni Mrs. Pacquiao sa kaniyang skincare line noong Pebrero 18, ginawa niya ito para sa mga nasalanta ng bagyong Odette noong Disyembre 2021.

"We hope you can join us at our JinkeeSkin Grand Bazaar at 3-8PM on February 19,2022! ?A portion of the proceeds shall be donated to our brothers and sisters who were affected by Typhoon Odette! ?Purchase with a Purpose!", aniya.

Ano-ano nga ba ang mga pre-loved items na ibinenta ni Jinkee, batay sa ulat ng Philippine Entertainment Portal o PEP? Narito ang listahan:

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

  1. Lady Dior bag in white- ₱325,000
  2. Dior slides- ₱35,000
  3. Prada wicker and canvas tote bag- ₱55,000
  4. Gucci GG Supreme monogram pierced heart-embroidered medium Dionysus shoulder bag- ₱150,000
  5. Pares ng Gucci horsebit loafers- ₱28,000
  6. Hermès Evelyne bag- ₱195,000
  7. Hindi ito ang unang beses na nagbenta ng kaniyang pre-loved designer items si Jinkee.

Larawan mula kay Nikko Tuazon via PEP

Larawan mula kay Nikko Tuazon via PEP

Samantala, bukod sa kaniya ay naispatan ding nagbenta ng kanilang mga mamahaling gamit sina Kapuso actress-socialite Heart Evangelista, beauty queen at Pinoy Big Brother housemate Samantha Bernardo, influencer at luxury enthusiast Mhurp Rose, business partner ni Jinkee na si Maricor Flores, at iba pang mga celebrity at influencers.