Proud na ibinida ni Power Diva Angeline Quinto ang kaniyang baby bump sa latest Instagram post kung saan sinabi niyang 31 weeks o 8 months na siyang buntis.

Ang ipinagbubuntis ni Angge ay isang 'healthy and strong baby boy'.

"I’m 31 weeks pregnant and counting kicks…came from my doctor today and happy to share with all of you that my baby boy is growing healthy and strong!" pahayag ng singer-actress.

"I can’t wait to meet you ?? anak ?."

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Screengrab mula sa IG/Angeline Quinto

Matatandaang noong Nobyembre 2021 ay unang kumalat ang chika na buntis umano si Angeline, dahil sa kaniyang concert.

Ayon sa lumalabas na chismis sa TikTok, aksidente raw na nahagip ng camera ang teleprompter sa naganap na concert ni Angge sa Metropolitan Theater sa Maynila. Ipinagdiwang niya ang kaniyang ika-isang dekada sa industriya.

Nakasaad sa teleprompter na 'Angge to share pregnancy journey' at nakasaad pa ang mga salitang pregnancy kit, 1st ultrasound, at lumalaki ang tiyan, na nai-screengrab sa 'SnoopAScoop'.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/29/power-diva-angeline-quinto-buntis-nga-ba/

Maging ang showbiz columnist na si Ogie Diaz ay ibinuking ito. Aniya, isang baby boy daw ang ipinagbubuntis ng singer-actress, at ang ama raw ay non-showbiz boyfriend nito na may una nang anak sa dating karelasyon. Kababata raw ni Angge ang lalaki noong nakatira pa sila sa Tondo, Maynila.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/12/09/pambubuking-ni-ogie-diaz-angeline-quinto-kumpirmadong-preggy/

Binasag niya ang kaniyang katahimikan hinggil sa chismis na siya ay buntis, sa exclusive interview ni King of Talk Boy Abunda, sa 'The Purple Chair Interview' sa vlog ng talk show host, na umere noong Disyembre 10.

"Magiging nanay na po ako," pag-amin ni Angge kay Tito Boy.

"Oo o hindi: Buntis ka ba, Angge?" pagkaklaro ni Tito Boy.

"Opo, Tito Boy," direktang pag-amin ng singer-actress.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/12/11/angeline-quinto-kinumpirma-ang-pagbubuntis-magiging-nanay-na-po-ako/

At kamakailan lamang ay ipinasilip na niya sa isang photoshoot ang litrato ng kaniyang non-showbiz boyfriend. Hindi pa tiyak kung may balak na ba silang magpakasal o magsama ngayong may anak na sila.