Game na sinagot ni AJ Raval ang mga karaniwang tanong sa kaniya ng mga netizen, sa pamamagitan ng isang video clips na ibinahagi niya sa social media.

Ang unang tanong sa kaniya ng isang netizen, 'Paano n'yo po nagagawa i-handle mga bashers, you look good at it po."

Tugon ni AJ, "Nakakatawa sila! Sobrang funny nila, hindi ko alam, merong part sa akin na nagbabasa ako ng mga hate comments, natatawa ako, yung 'Bakit, bakit galit na galit kayo sa akin, nakapatay ba ako ng tao, ang o-OA ninyo."

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Screengrab mula sa IG/AJ Raval

Sa tanong naman na 'Kayo ba ni Aljur?', sagot niya ay "Teh, sobrang cool lang namin ni Aljur when it comes sa mga situations namin, mga priorities and problem na dapat unahin."

Pero may hirit pa siya sa 'Marites'.

"Huwag kang mag-alala, pag official na, updated ka."

Screengrab mula sa IG/AJ Raval

Matatandaang noong Pebrero 14 ay naging usap-usapan na naman sina Aljur at AJ matapos silang maispatang magkasama sa sang hotel sa Leyte.

Agad namang nagpaliwanag si Aljur at sinabi niyang kumalin, nagbihis, at nag-freshen up lamang sila ni AJ, na kasama niya sa isang raket. Nabigyan lamang umano ng malisya ang litrato dahil nga magkasama sila in one frame at nagkataon pang Valentine's Day iyon.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/17/aljur-nagpaliwanag-kumain-at-nagbihis-lang-sila-ni-aj-sa-hotel-to-freshen-up/

Nagbahagi rin si AJ sa kaniyang Facebook account ng mga litrato nila ni Aljur sa isang event ng kooperatiba sa Leyte, upang patotohanan ang claim ni Aljur.

Pinag-usapan din ng mga netizen ang pag-like umano ng estranged wife ni Aljur na si Kylie Padilla sa video na ibinahagi ni AJ sa kaniyang Instagram account.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/21/kylie-ni-like-ang-video-aj-at-aljur-super-sweet-habang-nasa-beach/

Sa uploaded video clip, makikitang isang babae ang binitbit paitaas at umangkas sa kanang balikat ng isang lalaking hubad-baro habang sila ay nasa beach. Bagama't walang caption at hindi tukoy kung sino-sino ba ang mga ito, ipinagpalagay ng mga netizen na ito ay sina Aljur at AJ mismo. Wala kasing face reveal at isa pa, naka-black and white ito.

Tumindi pa ang haka-haka na sila ni Aljur ang magkasama sa beach dahil sa February 12 IG post ni AJ kung saan makikitang nakasuot siya ng blue dress habang nasa beach.

Kylie, ni-like ang video; AJ at Aljur, super sweet habang nasa beach?
Kylie Padilla, Aljur Abrenica, at AJ Raval (Larawan mula sa IG/Balita Online)

Hindi nakalagpas sa mapanuring mga mata ng mga 'Marites' ang pag-like umano ni Kylie sa video na ito. Matatandaang sinabi na ni Kylie noong 2021, sa kasagsagan ng hiwalayan nila ni Aljur, na malaya na ang dating mister na makipag-date kahit kanino, at hindi rin si AJ ang dahilan kung bakit sila naghiwalay.