Natanong umano sa isang panayam ang Kapamilya actress na si Janine Gutierrez kung anong sey niya sa bali-balitang may 'mutual understanding' na raw ang ex-jowang si Rayver Cruz at ang kasama nitong singer-actress sa 'All Out Sundays' at pagho-host ng 'The Clash' na si Julie Anne San Jose.

Sa tugon ni Janine, mukhang naka-move on na talaga ang dalaga. Sa mga kumalat na chika kasi, si Janine daw ang kusang nakipag-split kay Rayver dahil wala na raw silang oras sa isa't isa, at wala naman talagang third party.

“Whatever makes him happy, I just want him happy always talaga. I’m always gonna care about him."

In good terms naman daw sila at walang sama ng loob sa isa't isa.

National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'

"Hindi pa kami nagkikita ulit, pero okay naman kami. I always wish him the best and I’m always rooting for him talaga.”

Pinabulaanan din niya ang chikang inunfollow niya sa Instagram si Julie Anne.

Isa rin sa mga nauntag ay ang bali-balitang nang maghiwalay sila ni Rayver ay pumasok naman sa eksena si Paulo Avelino, ang nakatambal niya sa nagwakas na teleseryeng 'Marry Me, Marry You' ng Dreamscape Production sa ABS-CBN.

Sey ni Janine, close lang daw talaga sila ni Paulo at wala silang relasyon. Kamakailan kasi ay naintriga na naman silang dalawa dahil sa kumalat na litrato na magkasama sila sa isang bakasyon sa Palawan, kasama ang co-stars ng MMMY at real-life couple na sina Edu Manzano at Cherry Pie Picache.

Hindi nakaligtas sa mapanuring mata ng mga netizen ang suot-suot na polo ni Janine mula sa isang litrato, na kagaya raw ng polo ni Paulo.

“Well, I’m happy that we are close. We have always been close naman. Mas naging close lang kami after ng teleserye and after working together sa ABS."

Tinawanan lamang ni Janine ang tanong sa kaniya kung nanliligaw at may pag-asa raw ba ang guwapong aktor sa kaniya.

“We super get along with each other. We’ll see what will happen. Siya na lang tanungin ninyo, but I really enjoy spending time with him and talking to him," tugon ng dalaga.

Sa kasalukuyan ay abala si Janine sa mga nakalatag na proyekto sa ABS-CBN.

“Yes, we just wrapped filming yung Sleep With Me with Lovi Poe, iWant series siya, katatapos lang namin. Mayroon din akong teleserye, but I don’t think I can share it yet, so abangan na lang nila,” pagbabahagi pa ni Janine.