Naloka ang ilang Pinoy netizens matapos kumalat ang mga larawan ng award-winning actress-philanthropist na si Angelina Jolie na nagpapalit daw ng cellphone tempered glass sa Divisoria?

Sa mga larawang makikita ngayon online, mistulang karaniwang stall sa Divisoria at ilang malls ang set-up ng tindahan kung saan nakunan ang aktres kasama ang ilang kababaihang aakalain ding mga Pilipino.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

https://twitter.com/kblstgn/status/1497141954877997058?ref_src=twsrc%5Etfw%7Ctwcamp%5Etweetembed%7Ctwterm%5E1497141954877997058%7Ctwgr%5E%7Ctwcon%5Es1_&ref_url=https%3A%2F%2Fphilstarlife.com%2Fcelebrity%2F808619-angelina-jolie-cambodia-visit%3Futm_source%3DPhilSTARLifeutm_medium%3DTwitterutm_campaign%3DStoryfbclid%3DIwAR03g_iaKJ08XuSsSAW4lXOTYdY9tG4jMC9cjguH41L-pBK2xHo6olIUocw

Larawan mula Viriya Hangchuon via Facebook

Nakakaaliw na social media posts ang agad na kumalat kung saan iba't ibang kilalang commercial center sa bansa ang binanggit ng Pinoy netizens na umano'y pinuntahan ng Hollywood star.

Screengrab via Facebook

Screengrab via Facebook

Ngunit, hindi pala sa Pilipinas kundi sa bansang Cambodia kamakailan nagtungo si Angelina para sa isang pakikipagpulong sa ilang lider ng bansa kaugnay ng kanyang adbokasiyang nakasentro sa kapakanan ng kalikasan.

Ang mga larawan ay kuha pala ng isang Cambonian fan na namataan ang aktres sa kabisera ng bansa sa Phnom Penh, sentro ng mga kilalang kainan para sa mga turistang dumarayo sa lugar.

“Met one the greatest actresses in Hollywood,” mababasa sa caption ng Cambodian fan na si Viriya Hangchuon sa isang Facebook post noong Pebrero 23.

“Such an honor as a Cambodian fan to meet her in person,” dagdag nito.

Viral na ang naturang Facebook post na tumabo na ng higit 26,000 reactions at 14,000 shares sa pag-uulat.

Samantala, sa isang Instagram post, masayang ibinahagi ni Angelina ang kanyang muling pagbisita sa Cambodia.

"A few days in Cambodia among the warm local people, and I feel my soul is recovering. This has always been a special country for me and our family," mababasa sa Instagram post ng aktres.

Screengrab via Instagram