Ikinawindang ng Kapuso actress na si Jelai Andres ang 'pagkaka-snatch' sa kaniyang mamahaling Dior bag na may laman pang Louis Vuitton shades, habang kumakain sila sa isang pares house ng kapwa Kapuso artist na si Buboy Villar.

Sa latest vlog ni Buboy nitong Pebrero 26, 2022, inimbitahan niya si Jelai na kumain sa isang paresan. Habang kumakain kasi si Jelai, biglang na lamang may humablot ng kaniyang Dior bag.

Laman nito ang isang branded item na Louis Vuitton shades.

Hindi naman masyadong nagpaapekto si Jelai dahil hindi naman daw nakuha ang kaniyang cellphone, na mabuti na lamang at wala sa bag at hawak niya. Ayaw niya kasing makaramdam ng guilt feeling ang kaibigan dahil hindi naman daw nito ginusto ang mga pangyayari.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

"Hayaan mo na, bibili na lang tayo ng bago," sey ni Jelai.

Ngunit maya-maya, napaiyak na lamang si Jelai nang malaman niyang 'prank' lamang pala ang lahat! Ginawa ito ni Buboy upang sopresahin siya sa kaniyang kaarawan. Nakatikim ng mura si Buboy mula kay Jelai.

Buboy Villar at Jelai Andres (Screengrab mula sa YT/Buboy Villar)

“Kasi nga hindi ako nakapunta sa surprise birthday mo, naisip ko na babawi na lang ako sa’yo pero syempre lagyan ko muna ng kalokohan,” paliwanag ni Buboy. na dating Kapuso child star.

Bilang sorpresa at pampalubag-loob, binigyan niya ng cake at tatlong artificial roses ang kaibigan. Na-touch naman si Jelai sa ginawang ito ni Buboy.

Buboy Villar at Jelai Andres (Screengrab mula sa YT/Buboy Villar)

Narito naman ang reaksyon at komento ng mga netizen.

"Loko ka, Buboy! Pinakaba mo kami! Salamat at prank lang pala 'yon at okay lang kayo. Napakabait talaga ni Jelai at ang sweet mo din sa pa-surprise birthday party para kay Jelai. Love na love ko kayong dalawa. Buboy Tubol and Jelai Puday lang sakalam!"

"Grabe na-touched ako rito. More blessings to come po!!!! You're both blessed to have each other. Low-budget man sa tingin mo 'yan Kuya Boy, napakalaking bagay na niyan kay Teh Jelai for sure. Stay blessed po and moreeee vlogs to come!"

"Solid talaga sa katuwaan at kalokohan kapag kayong dalawa ang nagsama Jelai and Buboy?. Abangers ako kapag nakita ko agad na kayo magkasama sa vlog ?."

Buboy Villar at Jelai Andres (Screengrab mula sa YT/Buboy Villar)

Habang isinusulat ito ay may 467,352 views na ang naturang vlog.