Nananatili ang pangunguna ni presidential aspirant Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. sa pinakabagong survey ng OCTA Research na inilabas nitong Linggo, Pebrero 27.

Ayon sa OCTA Research Tugon ng Masa survey results na isinagawa noong Pebrero 12 hanggang Pebrero 17 nakakuha si Marcos ng 55% preference votes mula sa 1,200 respondents na lumahok sa survey. 

Photo courtesy: Dr. Guido David/Twitter

National

De Lima, nag-react sa pahayag ni Espinosa na si Bato nag-utos na idiin siya sa illegal drugs

Pumangalawa sa resulta si Vice President Leni Robredo na may 15%.

Hindi nagkakalayo sina Manila Mayor Isko Moreno Domagoso at Senador Manny Pacquiao nakakuha sila ng 11% at 10%, ayon sa pagkakasunod-sunod.

Nakakuha naman ng 3% si Senador Ping Lacson sa naturang survey.

Samantala, nasa 6% naman ang nananatiling "undecided."