Mukhang hindi naman apektado ang aktor na si Baron Geisler sa ginawang 'pasabog' kamakailan ng kaniyang misis na si Jamie Marie Geisler, tungkol sa isang baguhang aktres na tinalakan nito dahil nagpa-book daw ng kotse para sunduin si Baron at dalhin sa bahay nito para sa isang inuman session.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/26/starlet-tinalakan-ng-misis-ni-baron-geisler-nagpa-book-ng-kotse-nag-aya-raw-ng-inuman-sa-bahay/

“Booking a car for a married man to go drinking at your place ain't cool. It is very unbecoming of a single Christian woman. I support and respect my husband's craft, but I don't tolerate such disrespect. So, let's keep it professional," unang pasabog ni Jamie.

Hindi rin nagtagal ang pagkakabalandra ng kaniyang talak post dahil kaagad niya itong binura. Kaibigan daw niya ang nasasangkot at tila nagkaayos na sila.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

"Thank you for your kind words, friends. I'm sorry to vent my frustration here, so classless of me. However, I considered her my friend, and she is aware that my husband has a drinking problem."

"I sent her a personal message to no avail, so I had to get my message across. I know a lot of women can relate to my situation. Please don't bash her, she is a nice person. Maybe she just wasn't thinking right. Praying God will take away the anger in my heart," paliwanag pa ni Jamie.

Ang buradong FB post ni Mrs. Geisler ay naka-tag sa mismong mister niyang si Baron, at sa kasama nitong aktres na si Janelle Tee, sa pelikulang 'Pusoy' na mapapanood sa Vivamax.

Ibinahagi naman ni Baron ang litrato nila ni Janelle Tee gayundin ang kanilang mga nakatrabaho sa set ng pelikula. Makikita na nakasandal si Janelle kay Baron habang nakahawak naman ang kamay niya sa bandang tiyan nito, 'in character'.

"Maraming Salamat po sa lahat! Nag tatrabaho lang po para sa pamilya. I value my family so much. Sobrang supportive ng asawa ko basta maayos lang. GODSPEED! ??❤??," saad ni Baron sa comment section ng kaniyang Instagram account.

Baron Geisler at Janelle Tee (Screengrab mula sa IG/Baron Geisler)

Baron Geisler at Janelle Tee (Screengrab mula sa IG/Baron Geisler)

Noong 2021 ay ikinatuwa ng mga netizen ang malaking pagbabago sa aura at mga gawi ni Baron kaya hiling ng mga tagahanga niya na huwag na sanang bumalik sa dati ang mahusay na aktor.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/09/09/total-transformation-ni-baron-geisler-ikinatuwa-ng-netizens/