Bukod sa pagbabahagi ng pinagdaraanang body dysmorphia, inamin din ni Alexa Ilacad kay Karen Davila na ang maituturing niyang first love ay ang kapwa child star at Kapamilya actor na si Nash Aguas.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/28/alexa-ilacad-ibinahagi-ang-pinagdaraanang-body-dysmorphia/">https://balita.net.ph/2022/02/28/alexa-ilacad-ibinahagi-ang-pinagdaraanang-body-dysmorphiaa>

Matatandaang bago si KD Estrada ngayon, unang naging katambal ni Alexa si Nash, na una namang nakatambal ang kapwa child star din at batchmate sa artista search reality show na 'Star Circle Quest Kids'.

Ang unang tambalan nina Alexa at Nash ay sa youth-oriented TV series na 'Love U' noong 2012 sa ABS-CBN. Bagama't wala umano silang label sa loob ng limang taon, alam daw nila pareho na may 'mutual understanding' sila. Sa ngayon, ang jowa ni Nash ay ang dating child star din at kasamahan sa child gag show na 'Goin' Bulilit' na si Mika Dela Cruz, na nasa Kapuso Network na.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Sa murang edad ay pinasok na ni Nash ang mundo ng politika. Tumatakbo siya ngayon bilang councilor sa Cavite City.

"I tried to establish a strong persona just so people couldn’t hurt me," aniya.

"I’ve been hurt so much so I thought I could maybe protect myself."

Dito ay natanong ni Karen kung ano-ano ba ang mga karanasan niya na nag-iwan ng kirot sa kaniyang puso. Nauntag na nga ang pagkakaroon niya ng 'first love'.

"That’s part of it po," mabilis na sagot ni Alexa.

"He was your first love? Nash?" tanong ni Karen.

Sagot ni Alexa, "Yes."

Wala nang nagawa si Alexa nang uriratin ni Karen kung si Nash ba ang nasa likod ng kantang 'Paano' na isinulat mismo ng 22 anyos na aktres. Napasagot na lamang siya ng 'Opo'.

Napatawad na rin daw niya ang 'ex' kahit hindi ito humingi ng tawad sa kaniya.

"We’re not friends but I have forgiven him, even if he never really said sorry or asked for forgiveness, but it’s okay. I forgave him for my own peace of mind and the peace in my heart," aniya.

Sa ngayon, kinakikiligan ang tambalan nila ni KD Estrada, ang kapwa PBB celebrity housemate niya. Nabuo ang kanilang tambalang 'KDLex'.

"What I love about KD is he helps me grow and I help him grow so we’re like two plants watering each other and growing at the same time," pagmamalaki ni Alexa hinggil kay KD.

"It feels really nice, it feels really healthy and I feel lucky that I have a person in my life that finally makes me feel calm," dagdag pa niya.

Mapapanood ang kabuuang panayam sa vlog ni Karen Davila.