Marami ang curious kung bakit dinalaw ni Kapamilya actor Gerald Anderson ang Kapamilya young actress na si Alexa Ilacad sa kaniyang dressing room, na niretweet ng aktres noong Pebrero 23, kung saan makikitang nakayakap pa sa bewang ng aktor si Alexa, at nakasandal pa ang ulo ni Gerald dito.

Well, para sa mga hindi nakakaalam, sina Gerald at Alexa ay 'magkuya'. Magkapatid ang naging papel nila sa teleseryeng 'Init sa Magdamag' na pinagbidahan ni Gerald kasama sina Yam Concepcion at JM De Guzman.

"Kuya ko!! ? So touched na dinalaw mo ako. Happy to see you. Namiss kita, kuya ?," saad sa tweet ni Alexa na ipinapareha ngayon sa kapwa Pinoy Big Brother celebrity housemate na si KD Estrada.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Screengrab mula sa Twitter/Alexa Ilacad

Image
Alexa Ilacad at Gerald Anderson (Screengrab mula sa Twitter)

Mukhang maganda ang takbo ng showbiz career nina Gerald at Alexa ngayong 2022. Matapos ang PBB stint ng young actress ay may nilulutong proyekto ang Kapamilya Network para sa kanila ni KD. Bukod dito, na-expose pa ang singing talent ni Alexa sa musical variety show na 'ASAP Natin 'To', kasabayan ang mga diva roon. In fairness naman ay kayang-kaya niyang makipagsabayan sa biritan!

Si Gerald naman, kasama sa 11 big stars ng Kapamilya Network na nag-renew ng kanilang kontrata. Kaabang-abang na rin ang teleseryeng pagsasamahan nilang tatlo nina Ivana Alawi at Sam Milby.

Happy rin siya sa relasyon nila ni Viva actress na si Julia Barretto na game na game na rin sa mature roles, batay sa horror movie niyang 'Bahay na Pula' kasama sina Xian Lim at Marco Gumabao. Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang Rolex watch na regalo ni Gerald kay Julia na talaga namang kinakiligan.