Good vibes ang hatid ni Unkabogable Star Vice Ganda matapos niyang magbahagi ng kaniyang nag-uumapaw na biyaya, sa pamamagitan ng pagsha-shopping sa dalawang 'random madlang pipol' na makaka-engkuwentro niya sa daan.

Marami raw kasing nagsasabing 'Sana all', 'Sana makasama nating mag-shopping si Meme', 'Nakaka-miss mag-shopping!', kaya naman ang naisipan niyang gawing content sa latest vlog niya ay magpasaya ng strangers.

Ang naikonsidera nga nila ng kaniyang team ay mula sa 'working class' na trabaho nang trabaho at wala nang oras para naman mag-shopping. Nagustuhan naman ito ni Vice.

Dalawang babaeng empleyado sa sikat na bangko ang napili nila: sina Jewel at Juvy, na ayon kay Vice ay nakitaan niya ng good vibes dahil nakangiti daw ang mga ito (bagama't nakasuot silang pareho ng face mask).

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Pumayag naman ang dalawang babaeng empleyado na sumama kay Vice nang ayain niya ito. Bago ang aktuwal na shopping ay sumailalim muna sila sa swab test, at pareho naman silang negatibo sa COVID-19.

Vice Ganda, Jewel, at Juvy (Screengrab mula sa YT/Vice Ganda)

Vice Ganda, Jewel, at Juvy (Screengrab mula sa YT/Vice Ganda)

Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Vice na isama sa isang boutique store sina Jewel at Juvy at binigyan ng shopping spree ang dalawang empleyado.

Sinilip din ni Vice Ganda ang Instagram accounts ng dalawa upang makita ang estilo nila sa pananamit. Pagkatapos niyon, wala na silang tigil sa pagdampot ng bags, sapatos, damit, pabango, na syempre, all-expense ng Unkabogable Star!

Pero syempre, punumpuno pa rin sorpresa si Vice. Sa bandang dulo ng vlog ay may pa-prank pa siya. Sinabi niya sa dalawa na may pupuntahan pa sila pero hindi nila puwedeng gamitin ang mga cellphone nila, hindi sila makakauwi sa araw na iyon dahil ilang araw silang mawawala. Tila hindi yata pumayag si Jewel at ipinasyang uuwi na lang. Sa huli, nireveal ni Vice na prank lang iyon.

Magkano ba ang nagastos ni Vice sa shopping na ito? Kapag pinagsama raw ang mga items na pinili ng dalawa ay aabot sa ₱65,000. Bukod dito, binilhan din niya ng bisikleta ang anak ni Juvy at manika naman para sa pamangkin ni Jewel.

Narito naman ang mga reaksyon at komento ng mga netizen sa comment section ng kaniyang vlog.

"Ito si Vice, ang taong kahit sikat at mayaman na nakatapak pa rin sa lupa ang paa, so lucky to have Nanay Rosario na gumagabay… Kahit anong content sa vlog mo nararamdaman ko palagi ang pagmamahal mo…"

"For sure, umuwi sila na may dalang magandang chika sa family nila and with the pasalubong bought by Meme Vice. Uwuu thank youuu Meme! This vid make me smile."

"Hi meme, I am a public school teacher and watching your vlogs makes me happy and smile despite all the stress that I have. Nakakawala ng pagod ang manood sa'yo meme."

"You have a very big heart, Meme Vice! Continue to be a role model of being generous and kind to everybody. You are always smiling to everyone!"

Habang isinusulat ito ay number 7 trending na ito sa YouTube at may 2,122,469 views na, simula nang umere ito noong Pebrero 22, 2022.

Screengrab mula sa YT/Vice Ganda

May 6.48M subscribers na si Vice ganda sa kaniyang YouTube channel na The Vice Ganda Network.