Mukhang nakarating na kay Kapamilya actor at young heartthrob na si Joshua Garcia ang napabalitang pinagkakaguluhan daw ng mga tagahanga niya ang mga 'nalawayan' o gamit na kubyertos nang minsang mananghalian sila sa isang eatery sa San Jose Del Monte, Bulacan, habang naka-lunch break sila sa taping ng 'Mars Ravelo's Darna: The TV Series'.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/18/may-pila-kubyertos-na-nalawayan-at-pinagkainan-ni-joshua-garcia-pinag-aagawan/">https://balita.net.ph/2022/02/18/may-pila-kubyertos-na-nalawayan-at-pinagkainan-ni-joshua-garcia-pinag-aagawan/

Makikita kasi sa Facebook page ng 'Antonio Junior Lugaw-Pares Eatery' ang mga litrato ni Joshua Garcia habang nakasuot ng uniporme ng pulis, nasa hapag-kainan, at lumalafang kasama ang aktor na si Jeffrey Santos, kapatid ni Judy Ann Santos.

Ibinahagi ni Joshua sa kaniyang Twitter post ang video clip ng balita mula sa 'Frontline Sa Umaga' anchored by Gretchen Ho. Caption ni Joshua rito, 'Krazy'.

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

Screengrab mula sa Twitter/Joshua Garcia

Ibang level naman kasi ang kilig na ibinibigay ni Joshua sa mga netizen. Kahit mga kubyertos na nalawayan na nito ay handang bilhin at gamitin ng mga netizen na humahanga sa kaniya. Mukhang nasa taping ito, na hula ng mga netizen ay 'Mars Ravelo's Darna: The TV Series' na pagbibidahan ni Jane De Leon.

"Pakitabi po ng spoon na ginamit ni Joshua, gagamitin ko po kapag kumain ako diyan 'wag n'yo na po hugasan hahaha," saad ng isang netizen."

"May nakauna na po sorry po haha," pabirong sabi ng pamunuan ng eatery.

Abangers din ang mga netizen sa mga paandar na TikTok videos ni 'Juswa', na kalalapag lamang sa kaniyang account ay tumatabo na sa million views.