Huling naiulat na nasa kritikal na kondisyon si Infanta, Quezon Mayor Filipina Grace America matapos pagbabarilin ng isang lalaki habang nasa loob ng kanyang kotse nitong Linggo ng umaga.

Sa paunang ulat na natanggap ni Police Regional Office 4A (Calabarzon) Director Brig. Gen. Antonio Yarra, isinugod sa Claro M. Recto Memorial Hospital si Mayor Filipina Grace America dahil sa apat na tama ng bala sa katawan.

Dakong 11:00 ng umaga, kasasakay lamang umano ng biktima sa kanyang kotse matapos magsimba at paalis na sana nang biglang sumulpot ang isang lalaki at binaril ito ng apat na beses.

Iniimbestigahan pa ng pulisya kung may kinalaman ito sa pulitika.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Kaagad namang kinondena ng pamahalaang Infanta ang insidente. Sa Facebook page ng Infanta local government, nanawagan ito sa publiko na nakakita sa pamamaril na makipagtulungan sa pulisya upang madaling malutas ang kaso.