Inamin ng dating Ateneo player at sikat na haligi ng tahanan ng 'Team Kramer' na si Doug Kramer na noong una, hindi siya aware na artista pala ang misis na si Cheska Garcia, na eventually ay mapapangasawa pala niya at magiging ina ng kaniyang mga supling.

Mapapanood ang panayam ng mag-asawa sa 'Toni Talks' ni Toni Gonzaga na umere nitong Pebrero 27, 2022.

"We've all witnessed them grow through the years. What makes Team Kramer a team — Doug and Cheska share the ups and downs of their early marriage and how they work together to keep the foundation of their family strong," caption ni Toni sa vlog. Isinagawa ang panayam sa 'Casa Kramer' o sa bahay nila.

Isa sa mga naitanong ng kontrobersyal na TV host sa mag-asawa ay kung paano nagsimula ang kanilang relasyon. Nagsimula ang panayam sa pagbabahagi ni Cheska na partnership talaga sila ni Doug sa mga desisyon sa buhay, lalo na sa pagpapagawa ng kanilang home sweet home.

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

Bida ni Cheska, si Doug daw ang isang 'all-around husband' dahil lahat daw ay kaya nitong gawin para sa kaniya at para sa kanilang mga anak.

Nagkakilala sina Doug at Cheska noong 2003 sa Boracay. Ang una raw impresyon ni Doug kay Cheska ay parang napakabata o tinedyer pa nito. Akala raw nito ay 14 anyos lamang ang aktres. Ayaw pa naman daw ni Doug ng mas bata sa kaniya.

Pero nang magkausap na sila, doon na napagtanto ni Doug na mature kausap si Cheska at hindi na ito bata. Nagulat pa siya nang malaman niyang tatlong taon ang tanda ni Cheska sa kaniya. Ganoon daw yata talaga ang 'curse' ng mga Garcia: mukhang batang tingnan.

'Love at second sight' daw ang nangyari kay Doug para kay Cheska.

Si Cheska naman, wala ring ideya kung sino ba si Doug.

"Actually, I had no idea who he was. He had no idea who I was," pambubuking ni Cheska.

Hindi raw alam ni Doug na artista pala ang nakausap na si Cheska nang mga panahong iyon. Pero kilala raw ni Doug ang kapatid nito na si Patrick Garcia na isang sikat na teen star noong mga panahon na iyon, sa ABS-CBN. Si Cheska naman, nalaman lamang sa mga kaibigan niya na basketball player ng Ateneo at heartthrob si Doug sa kanilang paaralan.

"Oh really? Parang hindi ako pamilyar. Kaya pala ang lalaki nila, tatangkad nila," sey pa ni Cheska.

Hindi naman makapaniwala si Doug na magiging related siya kay Patrick Garcia na ginagawa lamang niya ang hairstyle noong kabataan niya, at pakakasalan pa niya ang ate nito.

Paano nga ba nagsimula ang ligawan?

Pag-amin ni Doug, nang magkausap daw sila ni Cheska sa Boracay ay may 'something' or sparks daw siyang naramdaman. Hindi raw niya kaagad kinuha ang cellphone number ni Cheska dahil pakiramdam niya, ganoon daw ang ginagawa ng lahat ng mga lalaki. Kaya nagpa-'hard to get' daw muna siya para maiba.

Pero nang umalis na raw si Doug sa Boracay, hindi raw niya makalimutan si Cheska. Halos 6 na oras daw kasi silang nag-usap nito sa tabing-dagat at para ngang may sparks na siyang naramdaman sa aktres.

"There was just a connection, you know, when you talk to someone parang time either goes really fast or slow. I was so comfortable with her, and I know that she was older than me and I like mature girls," ani Doug.

Nagsimula raw sila bilang magkaibigan talaga, sey naman ni Cheska.

"When I say friends, no holding hands, no kissing. So for how many months, we just really got to know each other. When we would date, I would always have my friends. I never went out on a date with him," pambubuking pa ni Cheska.

Ayaw daw niyang sumama nang mag-isa kay Doug dahil kakakilala pa lamang daw nila noon.

Inamin pa ni Cheska na si Doug daw ang unang lalaki sa buhay niya na nagustuhan niya pero nagsimula bilang magkaibigan. Kahit daw nagaguwapuhan na siya kay Doug, naging konserbatibo pa rin ang kanilang pagkakaibigan. Si Chekang pa nga raw ang unang humawak sa kamay niya. Halos pitong buwan na nga raw silang magkaibigan, pero no holding hands pa rin daw talaga. Ganoon daw ka-gentleman si Doug.

Para kay Doug, si Cheska raw ang kaniyang dream girl.

"I love her personality. She is a family woman. She is beautiful, she is so mabango, she dresses up so well," sabi pa ni Doug.

Kaya nang magtapos raw si Doug sa kolehiyo ay kaagad siyang nag-propose kay Cheska at pinakasalan ito.

Natalakay pa sa Toni Talks ang kanilang pagpapatayo ng bahay at kung ano naman ang kanilang parenthood sa kanilang mga anak.