Pinag-usapan ng mga subscribers ang bagong vlog ng sikat na Kapamilya actress at social media influencer na si Ivana Alawi dahil sa panunugod sa kanila ng isang mayamang babae na may kasama pang abogado, upang palayasin na sila sa kanilang bagong gawang bahay, dahil naibenta umano ni Ivana sa kaniya ang naturang property noon.

Habang nagba-vlog ang mag-iinang Fatima, Ivana (Mariam sa tunay na buhay), Mona, Amira, at Hash, isang 'mahaderang' at mukhang yayamaning ginang na nagpakilalang 'Mrs. Hernandez' ang biglang nag-eskandalo sa harapan ng kanilang bahay at hinahanap si Ivana.

Mama Alawi at Mrs. Hernandez (Screengrab mula sa YT/Ivana Alawi)

James sa paglayas ni Liza sa Careless: 'It's her decision'

Mama Alawi at Atty. Tin (Screengrab mula sa YT/Ivana Alawi)

Dala-dala nito ang papeles ng deed of sale na napagkasunduan umano nila noon, subalit ayon kay Ivana, matagal na nawala ang naturang buyer at naputol ang kanilang komunikasyon.

Kitang-kita ang pagkabigla, pagkagigil, subalit pagtitimpi ni Mommy Fatima dahil sa mga pangyayari. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang sabihin pa ng babae na may tatlong araw na lamang sila para lisanin ang naturang bahay. Kailangan din nilang iwanan ang mga gamit nila bilang antisipo.

Maya-maya, pinabasa ni Ivana sa kaniyang ina ang isang dokumento. Matapos nitong basahin ang papeles ay inihampas niya ito kay Ivana.

Isang prank lang pala ang lahat!

Screengrab mula sa YT/Ivana Alawi

Kakuntsaba ni Ivana ang kaniyang mga kapatid, subalit kahit na accomplice niya si Mona, naiyak din ito dahil hindi niya alam na sa kanila pala ng kanilang Mommy Fatima ipinangalanan ni Ivana ang titulo ng bahay at lupa.

Ito raw ay regalo ni Ivana para sa kaniyang ina, na noong bata pa lamang siya, lagi niyang sinasabihan na pagagawan niya ng sariling bahay oras na yumaman na siya.

Deserve din naman daw ni Mona ang bahay na iyon dahil lagi niya itong kasa-kasama sa mga vlogs niya, na umaabot sa milyon ang views.

Kamakailan lang rin nang i-celebrate ni Ivana ang kanyang bagong achievement sa YouTube matapos umabot ng 15 million ang kanyang subscribers.

“I’m so happy kasi matutupad ‘yung isa sa dream ko na mabigyan ang family ko ngsarili nilang bahay na pinaghirapan ko. Noong binili ko itong lupa na ‘to… na papatayuan ko ‘to ng bahay pero hindi ko sinasabi sa nanay ko na sa kanya ‘to. At hindi lang ‘yun,it’s for Mona and for Mama," paliwanag ng actress-vlogger na ipapareha kina Gerald Anderson at Sam Milby para sa isang nilulutong teleserye sa Kapamilya Network.

Talaga raw hindi na mawawala kay Ivana ang pagpa-prank.

"Alam n’yo naman na bago ako magbigay ng isang bagay, gusto ko munang magpaiyak ng tao at i-prank kasi, that’s me."

Ivana, Hash, Mona, at Mama Al Alawi (Screengrab mula sa YT/Ivana Alawi)

Kamakailan lamang ay ipinagdiwang ni Ivana ang pagkakaroon niya ng 15M subscribers sa YouTube. Habang isinusulat ang balitang ito, may 2,526,366 views na ang naturang vlog simula nang umere ito noong Pebrero 25, 2022.