Binutata ng tinaguriang 'real-life Darna' na si Angel Locsin ang isang basher na 'ni-red tag' umano siya, matapos niyang ibahagi sa kaniyang Instagram post ang litrato ni Queen of All Media Kris Aquino nang dalawin niya ito para sa pagdiriwang ng kaarawan nito noong Pebrero 14, 2022.

Dumalaw pala si Angel kay Kris ngunit nitong Pebrero 25, 2022 lamang niya ibinahagi ang litrato nila, kasabay ng paggunita sa 36th anniversary ng EDSA People Power I. Makikitang nakasuot ng kulay-dilaw na damit sina Kris, Kuya Josh, at Bimby habang katabi naman ng bunsong anak ni Kris si Angel, na nakasuot naman ng kulay-pink na natatakpan ng itim na jacket.

Ayon kay Angel, nakaka-miss daw makita ang Kris na naka-glam up at mataas ang enerhiya, na kinasanayan ng lahat.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Screengrab mula sa IG/Angel Locsin

"Small gathering to celebrate Ate Kris’ birthday! Posting this picture because she looks so beautiful and healthy here ? She’s been struggling with her health for sometime now, at na-miss kong naka-glam up & full of energy siya :) love you ate!" ani Angel sa kaniyang caption.

"Mahaba haba na rin ang pinagsamahan natin :) at iba magmahal ang isang Kris Aquino ? Anyway, I enjoyed our chikahan with Ate Anne & Cong Len, I’m really sorry na buong gabi akala ko ibang tao sila and they’ve been so proper not to call me out sa katangahan ko, haha? at hindi pa pala ako nag-aapologize, hahaha!"

Nagpahaging din si Angel na batay raw sa kanilang mga suot na damit, alam na raw ng mga tao kung ano ang 'kulay' na sinusuportahan nila sa parating na halalan.

"PS: obviously, alam n'yo na kung anong kanya-kanyang bet na kulay namin ☺️. Happy birthday ate @krisaquino ?. Mabuhay ang kapayapaan at demokrasya!?."

Nagpasalamat naman si Kris kina Angel at sa mister nitong si Neil Arce.

"Love you & Neil. For life. Thank God si @neil_arce nagre-reply right away. Good night," ayon kay Kris.

Saad naman ni Atty. Gideon Pena na malapit na kaibigan ni Kris, "Kapayapaan at demokrasya na tinatamasa ng bawat Pilipino."

"Love you mareeee ❤️," komento naman dito ng kilalang segment producer na si Darla Sauler.

Marami naman sa mga netizen ang natuwa sa pagkakaibigan nina Kris at Angel.

"Love ko kayo mga madam! Tara na gawin na nating kulay-rosas ang bukas!"

"Alam na talaga kung sino ang hindi nang iwan kay Kris!"

"Kweens! ? siguraduhin na natin na kulay-rosas ang bukas."

"Good thing Kris knows now who her true friends are."

"Love you, Gel and Ate Kris!"

"Awww happy birthday po Ms. Kris! You are healed in Jesus name! Nakakatuwa na andami mang nawalang friends ni Ate @krisaquino andyan pa din si Angel nya."

Ngunit may isang basher na hindi talaga paawat at nagkomentong 'Mabuhay ang NPA!' na patutsada kay Angel.

Hindi naman nagpatinag si Angel at sinagot ito. "Nanre-redtag, style diktaturya".

“Siguro naniniwala ka rin sa Tallano gold,” pamba-back up naman ng mister niyang si Neil.

Screengrab mula sa IG/Angel Locsin

Screengrab mula sa IG/Angel Locsin

Habang isinisulat ang balitang ito ay burado na ang komento ng naturang basher, subalit na-screengrab na ito ng mga netizen.

Hindi ito ang unang beses na nakaranas ng 'red tagging' ang aktres ngunit lahat ng iyon ay na-handle naman niya nang maayos.

Speaking of Angel, inaabangan na ng kaniyang mga tagasuporta ang proyekto nila umano ni Edu Manzano sa direksyon ni Erik Matti para sa HBO Go. Ito ay ang Pinoy adaptation ng hiit French series na 'Call My Agent'.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/13/angel-locsin-at-edu-manzano-bibida-sa-pinoy-adaptation-ng-hit-french-series-call-my-agent/

Marami na ang nakaabang lalo't si Edu ang tatay ng ex-boyfriend ni Angel na si Luis Manzano, at mukhang ito ang unang proyektong pagsasamahan nila.

Kahit na ganoon, maayos naman ang relasyon nina Angel at Edu. Sa katunayan, binati pa ni Angel si Edu sa kaarawan nito noong Setyembre 14, 2021.