Sa pambihirang pagkakataon, hindi sa mga kalsada ng Paris naispatang naglalakad si Kapuso star at fashion icon na si Heart Evangelista, kundi sa mismong lansangan dito sa Pilipinas para maghanap ng 'tusok-tusok' o mga nagtitinda ng sikat na street food na fish balls.

Game na kumasa si Heart sa challenge sa kaniya ng mga tagahanga. Makikita ang video clip ng kaniyang challenge sa Instagram niya kung saan naghahanap sila ng kaniyang preggy sister ng stall na mabibilhan ng tusok-tusok.

"There's street food everywhere, that's why it's on the street," sabi pa niya sa kapatid na nagmamaneho habang todo hanap sila ng nagtitinda.

Suwerte namang may naraanan sila.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Makikitang sarap na sarap si Heart sa paglantak ng fish balls na nakalagay sa plastic cup at 'make-tusok-tusok' talaga with matching sawsawan.

Bukod sa tusok-tusok, bumili rin sila ng inilalakong ice cream na napadaan din sa naturang lugar.

"Tusok tusok ? Fish ball for the win! Challenge accepted! Thank you for suggesting super saya???? in @dior #diorss22 of course," saad ni Heart sa kaniyang caption.

Screengrab mula sa IG/Heart Evangelista

May be an image of 1 person and text that says 'iamhearte 23h So goooood.'
Screengrab mula sa IG/Heart Evangelista

Screengrab mula sa IG/Heart Evangelista

Napa-sana all na lamang ang mga netizen dahil saan ka nga naman ba makakakita ng isang 'shalang' celebrity na gaya ni Mrs. Escudero, na nakasuot ng Dior at kumakain ng tusok-tusok sa kalye?

"You've always seemed positive and radiant pero parang more than ever, you seem to be really enjoying life! So happy for you and this special space you are in! ? Love, your faney since Gimik and nahulog and nashoot ang paa sa toilet days."

"Glamorous pa rin kahit making tusok-tusok the fish balls??❤️."

"Bakit pag siya kumakain parang ang mahal ng fish ball. ???."

"More of that, Heart! Grabe ka talaga!"

Ilan pa sa mga request ng mga netizen ay ang pamimili niya sa ukay-ukay, pagko-commute, at pamamalengke. Abangers na sila kung kakasa ba si Heart sa challenge na ito.