Hindi ire-remake ang hit Korean series na 'Crash Landing On You' ng engaged couple na sina Daryl Ong at Dea Formilleza kundi ito mismo ang tema ng kanilang prenup photoshoot, na isinagawa ng Nice Print Photography sa kanila.

Tinawag itong 'Crash Landing ONG You.'

"For @imdarylong and @deaformilleza prenuptial shoot we recreated a scene from the hit Kdrama series Crash Landing On You ❤️❤️ How timely that Hyun Bin and Son Ye-Jin will tie the knot soon so our CLOY hearts are on fire again ❤️❤️ Excited for your big day Daryl and Dea! #cloy #crashlandingonyou," saad sa caption ng IG post ng naturang photography company na madalas kinukuha ang serbisyo ng mga sikat na celebrity.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Daryl Ong at Dea Formilleza (Screengrab mula sa IG/Nice Print Photography)

Ipinakita ng love birds ang kanilang mala-Captain Ri at Yoon Se-ri peg batay sa kanilang costumes at lokasyon, batay sa isa sa mga sikat na eksena mula sa naturang K-drama series.

Daryl Ong at Dea Formilleza (Screengrab mula sa IG/Nice Print Photography)

Daryl Ong at Dea Formilleza (Screengrab mula sa IG/Nice Print Photography)

Matatandaang nakuha ng singer ang matamis na oo ng kaniyang nobya na dating Kapuso artist sa pamamagitan ng isang livestream noong Hulyo 2021. Limang taon na ang kanilang relasyon bilang mag-jowa.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/08/01/5-years-in-the-making-daryl-ong-engaged-na-sa-longtime-gf/

"5 yrs. in the making, kung kasama pagiging magkaibigan almost 10 yrs. Di ko na ikukwento or ipapaliwanag pa nang pagkahaba-haba kung bakit ko siya niyaya magpakasal, ang alam ko lang, papakasalan ko ang aking pinakamatalik na kaibigan. At sobra akong pinagpala na kami ang nagkatuluyan at magiging magkasama hanggang sa huli," ani Daryl sa kaniyang IG post noong Hulyo 31, 2021.

Mapapanood naman sa kaniyang YouTube channel kung paano binulaga si Dea.

"It’s been a week since we got “officially” engaged. I still get very excited pag naiisip ko na I’m finally marrying the love of my life. Prayed so hard for this! ???" saad naman ni Dea sa kaniyang IG post.

"Thank you, my love, for making me the happiest. I can’t wait to spend forever with you. You are my dream come true."

Samantala, hindi naman binanggit ang eksaktong petsa at lokasyon ng kanilang magiging kasal.