Matapos ang apat na magkakasunod na pagkatalo, bumalikwas na rin ang Barangay Ginebra San Miguel nang ilampaso nito ang Blackwater Bossing, 109-100, sa pagpapatuloy ng Governors' Cup ng PBA Season 46 sa Ynares Center sa Antipolo nitong Biyernes ng gabi.

Sa unang bugso ng laro, nilamangan kaagad ng Gin Kings ang Bossing, 37-20.

Bumanat ng 25 puntos si Justin Brownlee sa buong laro, bukod pa ang 18 na puntos at walong rebounds ni Japeth Aguilar at 16 puntos, nine rebounds at walong assists din ni Scottie Thompson.

Makakalaban ng Ginebra ang Terrafirma sa susunod nilang laro sa Linggo.

Wrestler-actor Dwayne Johnson, may pasabog sa fans; balik wrestling ring?

Sa pagkakapanalo ng Gin Kings, bitbit na nila ang kartadang 4-4 panalo-talo kung saan nasa ika-anim na sila sa puwesto, kasama ang TNT Tropang Giga.

Nabaon naman ang Bossing sa team standing na 0-8 at laglag na sila sa quarterfinals.

“We are trying not to focus on the four losses. There’s nothing we can do about the four losses except just try to learn from them. I thought today, we came out and played a much better game,” ani Ginebra coach Tim Cone.

“We made the game more exciting that it needed to be. Our guys off the bench didn’t get control of the game like we hoped and put the pressure on the starters to come back to kinda save them. Our bench needs to do a better job,” dagdag pa nito.

Sa panig ng Bossing, naka-iskor lamang si Shawn Glover ng 29, habang si JVee Casio ay kumamada ng 27 puntos.