Hindi binigo ng Gilas Pilipinas ang mga Pinoy fans nang lumpuhin nito ang dayong India, 88-64, sa 2023 FIBA World Cup Asian qualifiers sa Smart-Araneta Coliseum nitong Biyernes.

Tampok sa pagkapanalo ng Gilas ang solidong performance ni Dwight Ramos na nakakuha ng 17 puntos, apat na rebounds, tatlong assists at isang steal.

Hindi rin nagpahuli sa laro si Thirdy Ravena na nakaipon ng 15 puntos at dalawang assists, tampok ang tatlong three points sa ikalawang yugto ng laro na umagaw ng atensyon ng mga fans.

Sa kabila ng injury ay nagawa pa ring makapuntos ng 12 ni Roger Pogoy, dagdag pa ang apat na rebounds at dalawang assists habang naka-10 points naman si Robert Bolick na dinagdagan pa niya ng tatlong rebounds.

PBA, hinihingi panig ni Amores; makabalik pa kaya sa liga?

Naging mas mabuti ang inilarong India laban sa Gilas, kumpara sa laro nila ng New Zealand nitong Huwebes kung saan sila tinambakan, 101-46.