Muling pumirma ng kontrata ang 11 malalaking celebrities ng ABS-CBN nitong Pebrero 23, 2022, kaalinsabay sa pagdiriwang ng 30th anniversary ng Star Magic, ang talent-arm management ng Kapamilya Network.

Tinawag ang grand event na 'Kapamilya Strong' na pinangunahan ng ABS-CBN executives na sina Chairman Mark Lopez, President Carlo Katigbak, Chief Operating Officer na si Cory Vidanes, Head of TV Production and Star Magic na si Laurenti Dyogi, at Head of Finance na si Rick Tan.

Dalawa sa mga non-Star Magic artists ngunit haligi ng Philippine music na sina Pure Energy Gary Valenciano at Asia's Songbird Regine Velasquez ang nauna sa pirmahan. Hinandugan sila ng awitin nina Jed Madela at Lara Maigue. Mananatili silang mainstay hosts ng musical variety show na 'ASAP Natin 'To.' Guest co-host naman si Momshie Regine sa 'Magandang Buhay' habang nangangampanya si Momshie Karla Estrada.

“You have been a source of strength for all of us as we persevere to continue serving the Filipino together. Tunay naming naramdaman na andito tayo para sa isa’t isa dahil sa pagmamahal ninyo sa aming lahat.

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist

“Thank you for the trust, for sharing the love, and for the gift of healing that you have given millions of Filipinos with your inspiring music, your excellent performances, and of course, for being world-class talents. We will always be proud of you, our Kapamilya Regine and our Kapamilya Gary V. We love you both,” pasasalamat sa kanila ni Vidanes.

Ang iba pang mga Star Magic artists na pumirma ay sina Jolina Magdangal, Sam Milby, Zanjoe Marudo, Jake Cuenca, Gerald Anderson, Shaina Magdayao, Erich Gonzales, at ang magkatambal na sina Ronnie Alonte at Loisa Andalio.

Sa kasalukuyan ay momshie host si Jolina Magdangal sa morning talk show na 'Magandang Buhay' at may nakalatag pa umanong proyekto para sa kaniya. Sina Sam Milby at Gerald Anderson naman ay naghahanda na umano para sa teleserye nila bilang leading men ni Ivana Alawi.

Katatapos lamang ang hit teleseryeng 'La Vida Lena' na si Erich Gonzales na soon ay malapit na ring ikasal sa kaniyang fiance.

Kasalukuyan namang umeere ang mga kinabibilangang teleserye nina Zanjoe Marudo na 'The Broken Marriage Vow' at 'Viral Scandal' naman kay Jake Cuenca. Si Shaina Magdayao ay bahagi ng longest-running teleserye na 'FPJ's Ang Probinsyano'.

May niluluto ring teleserye para kina Ronnie Alonte at Loisa Andalio na may pamagat na 'Love in 40 Days'.

“Thank you for trusting ABS-CBN and Star Magic. Thank you for standing with us to continue serving the Filipino. Thank you for the love that you have nurtured with all our Kapamilyas and with all the audience through the years. Maraming, maraming salamat po,” pasasalamat naman ni Vidanes.

Samantala, ang nagsilbing host naman nito ay si Pinoy Big Brother host Robi Domingo at Edward Barber.