Marami raw 'first time' si Viva actress Julia Barretto sa pelikulang 'Bahay na Pula' sa direksyon ni award-winning director Brillante Mendoza.

Ito ang unang pagkakataong magsasama-sama sila sa isang horror movie nina Xian Lim at Marco Gumabao, bagama't nakagawa na si Julia ng horror movie na 'Block Z' kasama sina Joshua Garcia, Dimples Romana, Yves Flores, at Ian Veneracion.

First time din umanong gumawa ng movie si Julia na walang iskrip na hawak sa set, dahil iyon ang estilo umano ni Mendoza.

Isa pa, tila graduate na raw siya sa mga pa-tweetums o pa-sweet na roles at ready na siya sa mga pa-sexy. Sa katunayan, may eksena siya sa pelikula na naligo siya ng semi-nude, at nakipag-jugjugan pa siya sa demonyo!

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Aniya, bahagi umano ng pagiging isang ganap na aktres ang pagtanggap sa 'more challenging' at 'out-of-the box roles'.

Pero kabaligtaran naman ito kay hunk actor Marco Gumabao dahil wala siyang pasilip sa pwet sa pelikulang ito, na madalas na niyang ginagawa sa mga nagawang pelikula sa Vivamax. Kaya kung si Julia ay nanibago sa medyo maseselang eksena, nanibago si Marco dahil waley siyang ganoon.

Samantala, mapapanood ang 'Bahay na Pula' sa Pebrero 24 sa online streaming platform na Vivamax.