Naibahagi ng chairperson ng Film Development Council of the Philippines o FDCP na si Liza Dino ang kanilang mga balak ng mister na si Ice Seguerra kapag tuluyan na siyang bumaba sa puwesto, anuman ang maging resulta ng halalan sa Mayo 9, 2022.

Isa raw sa mga nangunguna sa kanilang listahan ang pagkakaroon ng baby na 2016 pa raw nilang plano ng mister.

At nabanggit din niya ang balak napagpapatapyas ng dibdib ni Ice na mas pinaigting pa raw ng ginawa ni Jake Zyrus. Inihahanda na lamang daw nila ang budget para magawa iyon.

"We’re just looking for the right doctor para gawin ‘yun. Malay mo, this year. Baka na-inspire siya kay Jake and I know that he’s very happy for Jake,” saad ni Liza.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Napag-uusapan na rin nila ang pagpapalagay ni Ice ng testosterone, hormone ng lalaki, para sa kaniyang transition.

Masaya rin sila sa naging paglalantad ni Jake Zyrus lalo't pag-amin ni Liza, personal na naranasan ng mister ang mga pinagdaanan ng singer.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/23/liza-dino-masaya-para-kay-jake-zyrus-relate-much-dahil-sa-mister-na-si-ice-seguerra/

Hinahangaan daw niya si Jake dahil sa katapangang ipinamalas nito upang ilantad ang tunay niyang identidad. Relate-much daw siya dahil naranasan umano ito ng kaniyang mister na si Ice, na kagaya rin ni Jake ay mahusay rin na singer.

"Kasi kahit ngayon na tanggap nating transman si Ice, ang tawag natin sa kaniya ay Ice, nirerespeto natin yung pronoun niya, pero siya, 'yung gumising siya sa umaga, 'yung physicality niya pa rin as a man, hindi pa rin niya nakikita," ani Liza.

Bilang misis ni Ice ay nakikita raw niya ang 'struggle' na iyon sa mister araw-araw. Sa kaso naman daw ni Jake, sana raw ay suportahan na lamang ito kung ito raw ang magpapasaya sa singer.