Isa ang aktres na si Erich Gonzales sa 11 stars na nag-renew ng kontrata sa ABS-CBN na tinawag na 'Kapamilya Strong' nitong Pebrero 23, 2022, na ginanap mismo sa ABS-CBN compound.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/24/kapamilyastrong-11-stars-nag-renew-ng-kontrata-sa-abs-cbn/

Bukod kay Erich, ang iba pang mga Kapamilya stars na pumirma ng kontrata ay sina Pure Energy Gary Valenciano, Asia's Songbird Regine Velasquez-Alcasid, Jolina Magdangal, Sam Milby, Zanjoe Marudo, Jake Cuenca, Gerald Anderson, Shaina Magdayao, at ang magkatambal at real-life couple na sina Ronnie Alonte at Loisa Andalio.

"Thank you ABS-CBN for all the opportunities that you have given me. This is my 18th year as a Kapamilya and I’m grateful for everything," saad ni Erich sa kaniyang Instagram post. Kalakip nito ang litrato nila ng ABS-CBN executives.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

"Thank you Star Magic for the love, guidance and support. Maraming salamat po. #KapamilyaStrong2022," saad pa niya.

Erich Gonzales at ABS-CBN executives (Screengrab mula sa IG/Erich Gonzales)

Matapos ang pagpirma ay agad na gumora umano si Erich at hindi na sumama pa sa media conference para sa Kapamilya stars na kabilang sa Kapamilya Strong 2022.

Marami pa naman daw sana ang nag-aabang sa ispluk niya tungkol sa napabalitang malapit na silang ikasal ng mayamang non-showbiz boyfriend na si Mateo Rafael Lorenzo. Tanong nila, iniiwasan daw ba ni Erich na maurirat tungkol sa jowa?

Nauna nang nailahad sa Balita Online na nakatakda umanong ikasal ang Kapamilya Star na si Erich Gonzales sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Mateo sa Marso 23, 2022.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/19/erich-gonzales-ikakasal-na-sa-kanyang-non-showbiz-boyfriend/

'Lowkey' umano ang relasyon nina Erich at Mateo. Minsan na ring nagpost ang 31-anyos na aktres ng kanilang larawan sa social media subalit agad din niya itong binura.

Erich Gonzales at Mateo Rafael Lorenzo (Larawan mula sa Balita Online)

Pambubuking naman umano ni Cristy Fermin, pina-background check umano ng pamilya ni Mateo si Erich.

“Pina-background check pala ng pamilya ni Lorenzo itong si Erich Gonzales,” chika ni Cristy sa naikwento ni Manay Lolit sa kaniyang programang Cristy Ferminute nitong Miyerkules, Pebrero 23.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/23/erich-gonzales-pina-background-check-ng-bilyonaryong-pamilya-ng-fiance-sey-ni-cristy/

Kalauna’y naging boto naman umano ang pamilya ni Mateo sa aktres.

Pinuri ni Cristy ang pagsasapribado ni Erich ng relasyon nito na kadalasan aniya’y problema sa ilang artista. Ang maganda raw kay Erich, hindi ito makuda sa social media at pinangangalandakan ang kaniyang relasyon.

“Ang maganda kay Erich, hindi siya maingay. Hindi niya ipinagyayabang na may boyfriend siyang anak ng bilyonaryo,” ani Cristy.

Nauna nang nai-chika ni Kris Aquino noong 2018 na isang mayamang manliligaw umano ang pumunta sa shooting ni Erich sa Siargao gamit ang isang private plane.