Matapos ang kumalat na isyung nag-unfollow sa isa't isa ang mag-asawang Carla Abellana at Tom Rodriguez sa kani-kanilang Instagram accounts na nagsanga-sanga na at inintrigang mukhang on the rocks na ang dalawa, sa kauna-unahang pagkakataon ay tila nagpahiwatig na ang Kapuso actress-vlogger hinggil dito.

Ayon sa kaniyang Instagram stories noong Pebrero 22, 2022, ipinakita niya ang screengrab ng option na 'remove follower' sa IG. Nangangahulugan daw na posibleng ibang netizen o social media user ang magtanggal mismo sa isang follower kahit hindi naman siya nito ina-unfollow.

"Hello, everyone! I just needed to inform you all about a feature on Instagram so that you're all enlightened. If you go to a person's IG account and click the 3 black dots on the upper right, IG actually gives you the option to 'Remove follower.' You can also go to your list of followers and REMOVE from there," paliwanag ni Carla.

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

Screengrab mula sa IG/Carla Abellana

Hanggang sa sinabi ni Carla na hindi siya ang taong nagsasagawa ng pag-unfollow lalo na sa mga taong mahahalaga sa buhay niya. Parang nakaka-grade school o child-like naman daw ang aktong ito.

"I find it very 'grade school' to unfollow-follow important persons in your life on social media within a short timeframe."

"On the other hand, it may actually be a skillful move if you're playing a spiteful game," tila may ipinahihiwatig na sey pa ni Carla.

Screengrab mula sa IG/Carla Abellana

Sumunod pa niyang ibinahagi sa IIG story na "Thanks for your time, everyone! And always BE CAREFUL." Nagpaalala rin siya tungkol sa 'DISTRACTIONS' at 'DIVERSIONS' sa socmed.

Matatandaang sa pagpasok pa lamang ng unang buwan ng 2021, ikinagulat ng mga netizen ang chikang hiwalay na umano ang TomCar dahil noong Oktubre 2021 lamang sila ikinasal, matapos ang matagal na panahong pagiging mag-jowa. Kinakiligan pa ng mga netizen ang kanilang nakaaantig na wedding vows.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/10/27/nakaaantig-na-wedding-vows-nina-tom-at-carla-kinakiligan-ng-mga-netizens/

Napansin umano ng mga netizen na nag-unfollow si Tom sa Instagram account ni Carla. Ganoon kasi umano ang kalakaran kapag may naghihiwalay na showbiz couple.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/25/tom-in-unfollow-si-carla-sa-instagram-kapuso-couple-hiwalay-na-nga-ba/

Sa isang entertainment portal, ilang showbiz insider ang nagsabing naging pagsubok umano sa dalawa ang kanilang madalas na hindi pagkakaintindihan ilang buwan lang matapos maging misis at mister.

Lumutang pa sa mga blind item ang tungkol dito, at nadawit pa ang isang beauty queen-turned-actress na umano ay naging malapit kay Tom dahil sa kanilang serye. Tinalakay pa ito ni Cristy Fermin sa kaniyang radio program na 'Cristy Ferminute'. Dito na lumutang ang pangalan ni Kelley Day.

Sa isang Instagram story, agad na umalma si Kelley at sinabi niya sa pamamagitan din ng blind item na wala siyang kinalaman sa rumored breakup ng isang showbiz couple.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/27/kelley-day-itinanggi-ang-pagkakadawit-sa-tom-carla-breakup-rumor/

Game na pinatulan na rin ng mommy ni Kelley na si Lenie Day ang mga 'Marites' na patuloy na umiintriga at bumabatikos sa kaniyang anak, kahit na nagpaliwanag pa ito.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/31/nanay-ni-kelley-day-rumesbak-sa-marites-grabe-ka-din-mag-judge-teacher-po-ba-kayo/

Nitong Enero 29 ay napabalita rin dito sa Balita Online na muli nang nagka-follow sa isa't isa sina Tom at Carla.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/29/tom-naka-follow-na-ulit-kay-carla-nag-away-ba-talaga-o-nagpa-miss-lang-sa-isat-isa/

"Anyway, nag-followan na ngayon sa kani-kanilang IG sina Carla at si Tom, baka ito na ang umpisa ng kanilang pag-uusap. Baka kasi nagpapahinga lang yung dalawa!" komento naman ni Ogie Diaz sa kaniyang entertainment vlog.

May mga lumabas ding chika na kaya rin daw inunfollow ni Tom si Carla ay para hindi niya ito ma-miss habang nasa lock-in taping. Kakakasal nga naman kasi nilang dalawa, at kung tutuusin ay nasa honeymoon stage pa sila, tapos malalayo sila sa isa't isa dahil abala sila sa kani-kanilang mga proyekto sa Kapuso Network.

Napabalita rin ang hiwalay nilang pagbati sa kanilang pet.

Lalo pang lumakas ang haka-haka nang mapansin ng mga netizen na walang suot na wedding ring si Carla sa latest vlog nito.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/07/carla-abellana-may-bagong-vlog-mga-marites-napansing-hindi-suot-ang-wedding-ring/

Hanggang ngayon ay wala pa ring malinaw na pahayag, kumpirmasyon, o paglilinaw ang mag-asawa hinggil sa mga isyung naidikit sa kanila noong Enero.