Sa isang tweet ng Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid, pabiro niyang sinabi na dapat abangan ang mga sexy projects niya matapos pumirma ng bagong kontrata sa ABS-CBN, Pebrero 23, 2022 na tinawag na 'Kapamilya Strong.'

Hirit ni Ate Reg, "Happy to be a #KAPAMILYA watch out for my sexy projects ha good luck na lang sa inyo ????”.

Matatandaang unang pumirma ang music icon ng kontrata sa ABS-CBN noong Oktubre 2018 at sa pananatili ng batikang mang-aawit sa Kapamilya network, nabanggit niya kay ABS-CBN President Carlo Katigbak na isama ang kanyang request na maging isang sexy star.

“I'm hoping someday mabigyan din nila ako ng pagkakataong maging sexy star. It's my dream," pabirong banat ni Reg.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Regine Velasquez at ABS-CBN executives (Larawan mula sa Twitter/Migue Dumaual)

Sa isang panayam sa naganap na Kapamilya Strong 2022 event, ipinahayag ng Songbird na nais nitong makasama sa isang concert ang Broadway Diva na si Lea Salonga. Aniya, ABS-CBN lang ang kayang makagawa niyon at marami na ring humihiling na magsama ang dalawa sa iisang concert.

Isa lamang si Regine Velasquez-Alcasid sa mga butuing nag-renew ng kontrata upang manatiling Kapamilya. Sa ngayon ay napapanood ang Asia’s Songbird sa mga programang “ASAP Natin ‘To” at 'Magandang Buhay' bilang guest co-host habang abala pa si Momshie Karla Estrada sa pangangampanya, sa ilalim ng party-list na 'Tingog'.

Matatandaang hindi rin naman pahuhuli sa aktingan si Songbird, patunay rito ang ilan sa mga pelikula niya. Isa na rito ang 'Paano Kita Iibigin' katambal si Ultimate Heartthrob Piolo Pascual, sa ilalim ng Star Cinema at idinerehe ni Bb. Joyce Bernal.