Dumagdag sa bilang ng mga showbiz personality na sumusuporta sa UniTeam, partikular ang tandem nina presidential aspirant Bongbong Marcos at vice presidential candidate Sara Duterte ang actor-TV host-comedian na si si Archie Alemania, ang ilang miyembro ng grupong Hagibis, at ang Filipino rock icon na si Mike Hanopol.

Naispatan ang mga nabanggit na personalidad sa national headquarters ng UniTeam at nakipagpulong sa kampo ng dating senador upang ihayag ang kanilang pagsuporta kay BBM. Ipakikita nila ito sa pamamagitan ng boluntaryong performance sa mga isasagawang campaign rally ng UniTeam. Bet daw ni Mike Hanopol na kantahin ang mga pinasikat na kanta sa mga sa mismong programa ng mga campaign rally. Ganoon din ang ilang miyembro ng Hagibis.

Si Alemania naman, nagboluntaryong maging host sa programa ng UniTeam.

“We’re here to support Bongbong Marcos for his candidacy, ang ilan sa amin dito ay matagal nang supporters ni BBM, tumulong na sa kaniya noong siya ay tumatakbong senador at maging noong kandidato siya sa pagka-bise presidente," saad umano nila.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Gusto namin tumulong sa BBM-Sara UniTeam, sa ganoong paraan ay maipakita namin ang aming pagmamahal sa bayan dahil naniniwala kami na ang tambalang BBM-Sara ang makakapagtuloy sa magandang nasimulan ng dating president Marcos at sa magaling na pamumuno ni Presidente Duterte,” dagdag pa umano ng grupo.

Ilan pa sa malalaking showbiz personalities na nagpahayag ng pagsuporta sa BBM-Sara tandem ay sina Toni Gonzaga at mister niyang si Direk Paul Soriano, ‘Queen Mother’ Karla Estrada, Aiko Melendez, Roderick Paulate, Dawn Zulueta, Lucy Torres, Randy Santiago, Wency Cornejo, Dulce, Ynez Veneracion, Robert Sena, Aya Medel, Elizabeth Oropesa, at iba pa.