Patay ang isang lalaki matapos maatrasan ng isang pison truck sa Jetty Port, Malay sa Aklan nitong Miyerkules ng umaga.

Dead on arrival sa Motag Hospital sa nasabing bayan si Stephen Sajise, 31, taga-Habana, Nabas sa Aklan dahil sa pinsala nito sa katawan.

Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang driver ng pison na si Joan Segura, 32, taga-Cabatuan, Iloilo.

Sa report ng Caticlan Police, ang insidente ay naganap sa Caticlan, Jetty Port dakong 10:30 ng umaga.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Sa imbestigasyon ng pulisya, nasa likuran ng pison truck si Sajise at inaalalayan si Segura sa pagpapaatras ng nasabing heavy equipment patungo sa isang back hoe na "isi-series" o ikokonekta sana sa baterya nito upang umandar.

Gayunman, hindi umano napansin ni Segura na naatrasan at naipit nito si Sajise.

Idinagdag pa ng pulisya na hinihintay pa nila kung magsasampa ng kaukulang kaso ang pamilya ni Sajise laban sa driver.