Usap-usapan ngayon ang ibinahaging screengrab ni 'Pambansang Lalaking Marites' na si Xian Gaza sa pag-uusap nila ni Marlou Arizala o kilala rin sa screen name na 'Xander Ford,' dating miyembro ng grupong 'Hasht5' na sumailalim sa cosmetic surgery, na naitampok sa news magazine show na 'Rated K' sa ABS-CBN.

Batay sa screengrab, nagpadala ng pribadong mensahe si Marlou kay Xian at naghahanap ng raket.

May be an image of 1 person and text that says '9:52 Marlou Arizala Marlou Arizala Facebook Boss Buhay pa po ako. baka may Pa trabaho po kayo dyan. Miss you boss xian miss you too. Kamusta na? Long time. Dalhin kita sa Ukraine. Sge lang boss Makapag work lang pantustus sa pamilya ko. Aa'
Screengrab mula sa FB/Xian Gaza

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

"Boss, buhay pa po ako, baka may patrabaho po kayo diyan. Miss you Boss Xian," saad sa mensahe ni Marlou o Xander.

Tumugon naman dito si Xian at biniro ang social media personality.

"I miss you too. Kamusta na? Long time. Dalhin kita sa Ukraine."

Sa kasalukuyan ay may sigalot sa pagitan ng bansang Russia at Ukraine, subalit batay sa tugon ni Xander ay hindi niya na-gets ang biro ni Xian.

"Sige lang boss, makapag-work lang, pantustos sa pamilya ko," saad nito.

Agad namang binawi ni Xian ang kaniyang biro at mukhang naging seryoso na ang usapan nila.

"Joke lang yung Ukraine, may gyera ngayon doon. Anyway? Ano na ba pinagkakaabalahan mo ngayon sa buhay?"

Screengrab mula sa FB/Xian Gaza

Samantala, hindi naman ibinahagi ni Xian ang mga sumunod nilang kumbersasyon ni Xander, o kung nabigyan ba niya ito ng raket. Ngunit sinabi niya na tutulungan niya ito dahil ove daw niya ito eversince.

Matapos ang kaliwa't kanang isyung ipinukol kay Xander Ford ng kaniyang mga basher at hater ay unti-unti na ngang lumamlam ang kaniyang showbiz career, hanggang sa dumating na nga ang pandemya.

Xander Ford Tags Himself As Social Media King During Performance
Xnader Ford/Marlou Arizala (Larawan mula sa FB)

Umani na kaagad ang FB post ng 27K reactions at 1.7k shares matapos itong ibahagi ni Xian, wala pang isang oras ang nakalilipas.